28.9 C
Batangas

Batangas City, Lipa City at Tanauan City, pasok lahat sa GFH Awards

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

MAGANDA ang pasok ng bagong taon sa mga pamahalaang local sa Lalawigan ng Batangas ngayong 2019!

Ito’y matapos ihayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Huwebes, Enero 31, na ang Lalawigan ng Batangas at ang tatlong lungsod nito – Batangas, Lipa at Tanauan – at ang 29 pang munisipyo ay pawang nakapasok sa Seal of Good Financial Housekeeping Awards (GFH) para sa taong 2018.

Ang GFH standards ang siyang pamantayan ng DILG sa masinop na pangangasiwa ng pananalapi ng isang LGU at siyang “financial transparency” ng mga namamalakad dito.

Ang Good Financial Housekeeping (dating Seal of Good Housekeeping) ay isang pangunahing bahagi sa anim na “area of assessments” na kinabibilangan ng Disaster Preparedness, Social Protection, Peace and Order, Business Friendliness and Competitiveness, Environmental Protection, and Tourism Culture and the Arts na kinakailangan upang ang isang LGU ay magawaran ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance (SGLG).

Sa buong CALABARZON, bagaman at 86% lamang nga kabuuang 147 LGUs nito ang nakapasa sa pamantayan, pasok pa ring lahat ang limang lalawigan nito – ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Katumbas din ito ng 86% na naitala sa buong bansa na binubuo ng 1,715 LGUs kung saan ay 1,481 lamaang ang pumasa.

Sa mga lungsod sa rehiyon, tanging ang Lungsod ng Cabuyao sa Lalawigan ng Laguna ang hindi nakapasa.

Sa buong lalawigan ng Batangas, tanging ang mga bayan lamang ng Balayan, Mabini at Mataasnakahoy ang hindi pinalad na makasama sa mga LGUs na nakapasa sa pagtaya ng DILG.

Noong Oktubre 2018, iniulat din ng DILG na sa sinundanng taon (2017) ay tatlo ring LGUs sa Batangas ang di nakapasa sa pamantayan ng GFH, kabilang ang mga bayan ng Lian, San Luis at Tingloy na pawang mga nakabawi naman noong 2018. http://www.balikas.net/3-batangas-lgus-missed-good-financial-housekeeping-standards/

Pahayag ni Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor, “ang pagkilalang ito ay resulta lamang ng pagkakaisa at pagtutulungan ng buong pamahalaang lungsod kasama ang mga bumubuo ng Sangguniang Panlungsod, maging ng mga kawani, na mapanatili ang “transparency” pagdating sa mga dokumento at transakyon ng ating pamahalaang lungsod.”|May ulat si Louise Ann C. Villajuan

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

San Miguel Corporation (SMC) is undertaking the P44.77-billion Nasugbu-Bauan Expressway (NBEX) project that will provide a faster connection between the eastern and western portions of Batangas province. This comes after the Batangas provincial government granted the company’s infrastructure arm, SMC...
The 67th Session of the Commission on the Status of Women held on 6-17 March 2023 at the UNMHeadquarters in New York gathered representatives of member states, UN entities and non governmental organizations for the first in-person session since...
Responsive and committed government financial institution. In pursuit of its commitment to help other government institutions in optimizing operating efficiency and public service, the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) turned over previously used office, furniture, and IT equipment to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -