31.1 C
Batangas

Batangas, Or. Mindoro, isinailalim sa state of calamity

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

KAPWA isinailalim na ngayon sa State of Calamity ang mga lalawigan ng Batangas at Oriental Mindoro bunsod ng mga tinamong pinsala ng dalawang lalawigan sa paghagupit ng bagyong #QuintaPH (International name “Molave”) na dumaan mismo sa bahagi ng Verde Island Passage.

Sa lalawigan ng Batangas, mahigit isang bilyong pisong halaga ng ari-arian sa sektor ng agrikultura, pangisdaan, at imprastraktura ang sinalanta ng naturang bagyo na nag-iwan ng daan-daang kabahayan na totally at partially damaged at mga pagawaimbayan na winasak ng malakas na hangin at hampas ng naglalakihang daluyong o storm surge.

Sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas noong Miyerkules, Oktubre 28, pinagtibay ng kapulungan ang Resolution No. 855 na nagsasailalim sa buong lalawigan ng Batangas sa State of Calamity upang agarang matugunan ang relief and rehabilitation ng mga nasalanta ng bagyong #QuintaPH.

Isinasaad sa naturang resolusyon na batay sa umiiral na Memorandum Order No. 60 series of 2019 o mas kilala bilang Revised Guidelines for the Declaration of State of Calamity, maaaring magdeklara ng state of calamity sa isang lalawigan kung ang 30% man lamang ng lalawigan ay napatunayang apektado ng kalamidad.

Nauna rito, nagdeklara na ng state of calamity ang Lungsod ng Batangas kasunod ng matinding paghagupit ng bagyo sa mga baybaying barangay ng Dela Paz Proper, Dela Paz Pulot Aplaya, Talahib Pandayan at sa buong Isla Verde.

Samantala, sa Lalawigan ng Oriental Mindoro, hiniling ni Gob. Humerlito ‘Bonz’ Dolor sa Sangguniang Panlalawigan na ideklara ang state of calamity sa lalawigan bunsod ng may mahigit pang P1-bilyong halaga ng pinsala sa agrikultura rito.

Kinabukasan, iniulat ni Vice Governor Antonio Perez na bilang sagot sa kahilingan ng gobernador, pinagtibay ng SP ang isang resolusyon para sa deklarasyon ng state of calamity. Ayon sa ulat ng  Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, isa ang namatay samantalang mahigit 9,000 kababayan naman ang nanatili sa 111 evacuation centers ng lalawigan.

Sa ulat naman ng Department of Agriculture (DA), umaabot na sa mahigit ₱401.73 milyong halaga ng pinsala sa agrikultura sa llocos Region, Calabarzon, Bicol Region at Western Visayas. Mula sa mga lugar na ito, aabot sa 16,531 magsasaka ang naapektuhan gayundin ang may 20,568 metriko toneladang pananim gaya ng palay, high-value crops, pangisdaan at hayupan sa may 14,252 ektaryang agrikultural.| – BNN, MIMAROPA News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -