BATANGAS City — IPINAKITA ng mga Accountancy, Business Management (ABM) students ng Alangilan Senior High school ang kanilang culinary creativity sa isinagawang ABM Caravan, February 20, sa kanilang school campus. Ito ay may temang Driving Innovation: From Idea Generation to Implementation.
Ayon kay OIC Principal Nenita Haber, layunin ng nasabing caravan na mabigyan ng pagkakataon ang mga senior high school students na maishowcase ang kanilang natutunan sa kanilang subject na Entrepreneurship.
Ipinaabot ni Dep Ed City Schools Division Superintendent Dr. Felizardo Bolanos ang kanyang taos pusong pagbati sa matagumpay at makabu-luhang gawaing ito sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Jeffrey Pangan.
Hinikayat naman ni Coun. Allysa Cruz, kinatawan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha at tumatayong Chairman ng Committee on Education ng Sangguniang Panglungsod ang mga SHS students na ibahagi ang kanilang mga natutunan sa labas ng paaralan at magtayo ng sariling negosyo upang magkaroon ng pagkakakitaan at makatulong upang mapaunlad ang ekonomiya ng lungsod.
Isa sa mga Grade 12 ABM students na lumahok dito si Trisha Faye Escobar at ayon sa kanya. hangad nila na makagawa ng innovation sa pagkain. “Dito namin maipapakita ang aming creativity at iba’t ibang diskarte,” sabi niya.
Aniya, hindi biro ang magtayo ng isang negosyo, kailangan na pag-aralang mabuti ang produktong ipagbibili, gayundin ang tamang pricing at marketing nito.
“Never give up, be creative at be patient,” ang payo ni Trisha upang maging matagumpay sa lahat ng gagawin hindi lamang sa pagnene-gosyo.
Ilan sa mga produktong niluto ng mga mag-aaral ay ang cassa-pizza (yari sa cassava), kamchi (kamote at chicken), fried rice ball, malunggay cupcake, heartballs at karimon na yari sa puso ng saging, squash fries, squash pannacotta, chibog-yas (onion rings), veggie-ron o polvoron na yari sa carrot, bitter gourd, kapeng barako), sionghai (siomai at shanghai) frappe na mula sa tablea at oregano at iba pa.
Nagtayo din ng food booth ang mga STEM students. Ang mapapag-bentahan ng mga SHS sa caravan ay magsisilbing fund ng mga ito para sa kanilang future projects.
Tampok din sa caravan ang patimpalak sa ASHS Tough Model 2020 at pagpili sa Ambassador at Ambassadress of Goodwill 2020.|- Ronna Endaya Contreras