27 C
Batangas

Gender equality, nakikita na sa public service at iba pang larangan

Must read

- Advertisement -

PADRE GARCIA, Batangas — MAITUTURING na isang OA (over acting) na kung sa panahon ngayon ay sasabihin pa ring napapag-iwanan ang kababaihan o walang gender equality, lalo na sa larangan ng paglilingkod sa pamahalaan.

Ito ang saloobin ni Congresswoman Llanda Bolilia ng Ikaapat na Distrito ng Batangas kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan nitong Marso.

Ayon pa kay Bolilia, nasa isang indibidwal na babae na rin umano kung paano niya i-handle ang kaniyang sarili, kung paano pangalagaan at ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang kapantay o katuwang ng kalalakihan.

“Sa larangan ng serbisyo publiko, kita naman natin na marami ng kababaihan ang naglingkod sa pamahalaan mula pangulo, senador, kongresista, hanggang sa mga pamahalaang lokal,” ayon pa sa mambabatas. “Tulad na lamang ngayon dito sa ating lalawigan, apat (4) sa anim na kongresista ay babae,” dagdag pa niya.

Bukod kay Bolilia, ang iba pang babaeng kongresista ng Batangas ay sina Kin. Eileen Ermita-Buhain, Maria Theresa V. Collantes at Vilma Santos-Recto ng Una, Ikatlo at Ikanim na Distrito.

Samantla, sakaling mabigyan ulit siya ng mandato ng mga kababayan sa Ikaapat na Distrito ng isa pang termino bilang konggresista, nais umano niyang tutukan ang ilan pang mahahalagang proyektong pang imprastraktura sa distrito gaya ng Padre-Garcia-Ibaan-Startoll By-pass road, Padre garcia-Rosario-Laiya access road na hindi na dadaan sa kabayanan ng San Juan at mga livelihood centers sa bawat bayan ng distrito.

Aminado naman aniya siya na hindi madali ang kaniyang kasalukuyang laban kumpara sa naging laban niya noong 2016. Kung noong una siyang tumakbo ay kapareho niya ang kaniyang nakatunggali na si dating Taysan mayor Dondon Portugal na kapwa sila baguhan sa nilabanang puwesto; ngayon naman ay isang matagal na naging kongresista rin ang kaniyang makakatunggali na aniyay marami ring nagawang proyekto sa distrito.|Joenald Medina Rayos

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

LUCENA City - MISS Universe benefactor and now Senate aspirant Luis “Chavit” Singson, recognized for his strong leadership in both the political and business sectors, has vowed to support jeepney operators and drivers affected by the ongoing Jeepney Modernization...
ARE you ready for the biggest shopping event of the year in Batangas?  The Great South Luzon Sale is happening at SM Malls in Batangas on Nov. 15-17, and you won't want to miss out on the amazing deals and...
THE national government is ramping up by 35 percent to P2.7 billion the spending for public residential drug abuse treatment and rehabilitation centers (DATRCs), in a bid to address overcrowding and boost public access, Makati City Rep. Luis Campos...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -