30 C
Batangas

Hybrid native chicken ipinamahagi ng OCVAS sa 526 benepisyaryo

Must read

- Advertisement -

MAY 526 benepisyaryo ng Hybrid Native Chicken Dispersal Project ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) ang tumanggap ng tig limang manok na aalagaan, March 28, sa nasabing tanggapan.

Ang mga manok na ito ay Sunshine chicken na isang uri ng upgraded native chicken na malalaki ang lahi at nagbibigay din ng mas malalaking itlog kumpara sa mga karaniwang native chicken. Maalwan itong alagaan dahil pwedeng paligaw lamang sa bakuran kapag mahigit isang buwan na. Sa unang 0-21 araw, ang sisiw nito ay dapat nakakulong muna.

Ayon kay Dra. Loyola Bagui, assistant head ng OCVAS, ang hybrid native chicken na ito ay madaling pakainin o masasabing “matakaw” na breed ng manok, kung saan sa umpisa ay patutukain muna ng chicks booster, chicken starter at kalaunan ay pwedeng patukain ng mga organic na pagkain kagaya ng mais, mga ginayat na gulay at iba pa.

Layunin ng OCVAS na tumaas ang kalidad ng mga native chicken sa lungsod kung kaya’t hinihikayat ang ang mga benepisyaryo na mapalahian ang mga native chicken nila upang dumami ang mga malalaking lahi ng manok at mga itlog na palilimliman.

Tinuruan ng hepe ng OCVAS na si Dr. Macario Hornila ang mga benepisyaryo sa tamang paraan ng pag-aalaga ng hybrid native chicken upang magtagumpay ang proyekto.

Ang mga benepisyaryo ay tinukoy sa pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng mga barangay, barangay livestock and agriculture technicians at livestock and poultry raisers association.|
PIO Batangas City

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
WHEN Christ explained the parable of the sower and the seed (cfr. Mt 13, 18-23), the obvious conclusion that we can make is that we should be the good ground to receive the seed of God’s word so that...
BALAYAN, Batangas – WHEN a political leader finished his or her term and the spouse is elected to the position vacated, continuity of services, in some rare cases cannot be underestimated. This is the scenario in western part of Batangas,...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -