27.8 C
Batangas

Mga kandidato ng PDP-Laban sa Batangas, iprinoklama sa Sto. Tomas

Must read

- Advertisement -

STO. TOMAS, Batangas – BAGONG lungsod, bagong simula. Ito ang ibinandera ng grupong humahamon ngayon sa kandidatura para sa ikatlo at huling termino ni Mayor Edna C. Sanchez ng bayang ito na nahaharap sa ilang reklamo ng graft and corruption sa tanggapan ng Ombudsman.

Sa idinaos na Proclamation Rally ng PDP-Laban nitong Sabado ng gabi, Marso 30, magkakasamang ibinandera ng mga kumakandidato ang mahigpit na pangangailangan na mailuklok ang tama at nararapat na maging mga lider sa pagiging syudad ng bayan ng Sto. Tomas at tuldukan na ang umano’y tumitinding korapsyon at pagnenegosyo sa pamahalaang lokal dito.

Sa nasabi ring pagtitipon, binigyang-diin ng tatlong dating magkakatunggali sa pagka-gobernador ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan upang matiyak ang tunay na serbisyo ng mga naglilingkod sa pamahalaan.

Matatandaang noong 2016, nagkatunggali sa pagkagobernador sina Governor Dodo Mandanas, dating Vice Governor Mark Leviste ng Liberal Party (LP), at dating 4th District Congressman Dong Mendoza ng Nationalist People’s Coalition (NPC). Ngunit ngayon ay nagsanib puwersa na ang tatlong nabanggit para sa iisang layunin na maisulong ang mas mahusay na pamamahala. Tumatakbo para sa kaniyang reeleksyon si Gov. Mandanas at running mate niya ang nagbabalik na si VG Leviste; samantalang nagbabalik din bilang kinatawan ng Ikaapat na Distrito si dating Cong. Dong Mendoza na bagaman at siya ang Secretary-General ng NPC ay mahigpit na sumusuporta sa mga kandidato ng tambalang Mandanas-Leviste sa lalawigan.

Kaugnay din nito, magkakatuwang na inendorso ng nasabing mga lider ang kandidatura ng tambalang Mar-Vill nina mayoralty candidate Atty. Art Jhun Marasigan at vice mayoralty bet Leovy Villegas para sa pagsisimula ng bagong Lungsod ng Sto. Tomas. Naroon din at kasamang nagsusulong ng tambalang Mar-Vill si reelectionist 3rd District Congresswoman Ma. Theresa V. Collantes, ang principal sponsor ng kumbersyon ng Sto. Tomas, para maging ganap na Lungsod ng Sto. Tomas at pang-apat na component city ng lalawigan ng Batangas.

BILANG pagsisimula ng kampanyahan para sa mga May 13, 2019 Synchronized Elecions, pormal na iprinoklama ni Batangas governor Hermilando I. Mandanas ang kaniyang kandidatura para sa kaniyang ikalwang termino, gayundin ang iba pang kandidato ng Partidong PDP-Laban sa lalawigan ng Batangas. Kasama ni Mandanas ang kaniyang running mate, former Vice Governor Mark Leviste, at ang buong slate ng partido para sa local positions sa bayan ng Sto. Tomas, sa pangunguna nina mayoralty candidate Atty. Art Jhun Marasigan at vice mayoralty candidate Leovy Villegas. Kasama ring iprinoklama ang mga kandidato ng grupo sa pagka-bokal ng Ikatlong Distrito, Peter Thomas Reyes at Ben Pariño. Naroon din si Nationalist People’s Coalition (NPC) secretary-general at kandidato sa pagka-Congressman ng 4th District, Mark Llandro Mendoza, para suportahan ang grupo at si Pariño na kasapi ng NPC. |JOENALD MEDINA RAYOS

Sa kaniyang talumpati sa harap ng may 10,000 tagasuporta, sinabi ni Atty. Marasigan na sa kaniyang maikling panahon ng pagiging municipal administrator ng bayan ng Sto. Tomas ay nakita niya ang umano’y hindi magandang pamamalakad ng administrasyon ni incumbent Mayor Sanchez, dahilan para kaagad niyang putulin ang pamamalagi sa munisipyo at isu-long ang isang mabuting pamamahala.

“Alam po natin na huling termino na sana ng nakaupong alkalde ang eleksyong ito. Ngunit hindi ko kayang tiisin na makitang patuloy na paghahanap-buhayan lamang ang ating munisipyo, kaya kailangang tuldukan na natin ang kalo-kohang ito ng pagnenegosyo sa ating pamahalaang lokal,” pagdidiin pa ni Marasigan kasabay ng pag-flash sa wide screen ng umano’y mga ebidensya ng mga anomalya sa munisipyo na pinag-ugatan ng reklamo laban kay Sanchez na idinulog ng WeDo BPO, Inc. noong nakalipas na linggo. Sa isang panayam, itinanggi ni Sanchez ang reklamo laban sa kaniya.

Kasama ring sumusuporta sa tambalang Mar-Vill si dating Punumbayan Manding Maligaya at ang may 23 punongbarangay at sangguniang kabataan ng bayang ito.| Joenald Medina Rayos

Upang makapag-break sa matagal na pagkaka-upo, sinimulan ng senatoriable na si Dr. Willy Ong ang kaniyang kam-panya sa pamamagitan ng ehersisyo, kaya hinikayat niya ang lahat ng kan-didato sa entablado, maging ang may 10,000 tagasuporta na samahan siya sa isang stretching activity para maka-relax. Nakipagkaisa si Dr. Ong sa Anaka-lusugan Party-list para sa pagsusulong ng kapakanang pangkalusugan sa pamamahala. Si Ong ang nag-iisang kandidatong doktor sa pagkasenador.|

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
WHEN Christ explained the parable of the sower and the seed (cfr. Mt 13, 18-23), the obvious conclusion that we can make is that we should be the good ground to receive the seed of God’s word so that...
BALAYAN, Batangas – WHEN a political leader finished his or her term and the spouse is elected to the position vacated, continuity of services, in some rare cases cannot be underestimated. This is the scenario in western part of Batangas,...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -