31.7 C
Batangas

Hagupit ng CoVid-19, nagtatangkang aabot ng 4,000 kada araw

Must read

- Advertisement -

IGINIIT ni Senadora Imee Marcos na dapat agad tutukan ng gobyerno ang posible pang pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 na maaaring lumobo sa 4,000 kaso kada araw, na una nang binabala ng mga health experts.

“Ilang buwan pa ang hihintayin bago ang maramihang pagbabakuna at ang EUAs (emergency use approvals) ay naka-tengga pa rin. Ang unang dapat harapin ay maiwasang tumaas pa ang posibleng tamaan ng sakit dahil sa mga nakasanayang fiesta at kapos na kapasidad ng mga ospital dahil sa pagpapalit ng mga tauhan na kadalasan tuwing buwan ng Enero,” ani Marcos.

“Ang Aklan ay kasado na para sa kanilang Ati-Atihan, may Dinagyang sa Iloilo at Sinulog sa Cebu sa mga darating na araw. Nariyan din ang Panagbenga sa Baguio sa unang bahagi ng Pebrero,” diin ni Marcos.
Dagdag pa ni Marcos ang paulit-ulit na backlog sa pagre-report ng mga resulta ng Covid-19 test na ” nagpapalabo lang sa larawan ng kasalukuyang infection rate sa bansa.”

Maging ang DOH ay aminado na mahina ang kapasidad ng mga ospital tuwing buwan ng Enero kung kalian nagpapalit ng mga tauhan, natatapos ang mga kontrata, at maaring hindi ma-renew ang ilang job orders, dagdag ni Marcos. 

“Ano ba talaga ang ating plano laban sa Covid habang naghihintay ng bakuna?” tanong ni Marcos.

“Dapat magsimula na tayong mag-recruit ng mas maraming doktor, nurse at medical volunteers para dagdagan ang kapasidad ng ating mga ospital, dahil hindi pa nabubuo ang hinihilng natin na medical reserve corps,” ani Marcos. 

Isinusulong ni Marcos ang pagbuo ng isang medical reserve corps noon pang Hunyo sa ilalim ng Senate Bill 1592, pero hindi ginawang prayoridad ang nasabing panukala. 

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BALAYAN, Batangas – AFTER undergoing monitored home isolation and receiving appropriate medical care, the first Mpox case recorded in CaLaBaRZon, a 12-year-old male from this town, was tagged as recovered and given clearance on September 13, 2024. The patient started...
In 1916, Albert Einstein theorized that two merging black holes create ripples in the spacetime fabric, similar to how a pebble creates ripples in a pond. These ripples, called gravitational waves, stretch and squeeze spacetime in amounts so minuscule...
Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -