LUNSOD BATANGAS – HINDI na umabot sa itinakdang filing of Certificate of Candidacy si Kagawad Glenn Aldover matapos itong bawian ng buhay pasado alas-siete y media ng umaga, Oktubre 10, Miyerkules sa St. Camillus de Lelis Hospital sa lunsod na ito.
Batay sa nakalap na impormasyon ng BALIKAS News, isinugod sa nasabing pagamutan ang kagawad Miyerkules ng umaga matapos itong atakehin sa puso. Sinikap i-revive ng mga attending physicians si Aldover ngunit binawian na rin ito ng buhay.
Si Aldover, 61, na isa ring doktor ng medisina, ay nakatakda sanang maghain ng kaniyang kandidatura sa pagka-kagawad muli kasama ng mayoriya ng mga kasapi ng Sangguniang Panlunsod sa ilalim ng Nacionalista Party (NP).
Pahayag ng mga kasamahang kagawad, hindi nila akalain na maagang lilisan ang kagawad sapagkat kita nilang masaya pa itong nakilahok sa kanila sa pagdalo sa ilang mahahalagang gawain sa lunsod noong Martes gaya ng selebrasyon ng mga Senior Citizens, committee hearing sa Sangguniang Panlunsod at pagdalo sa regular na sesyon.
Narito ang pahayag ni Vice Mayor Jun Berberabe sa pagpanaw ni Kagawad Aldover:
“The Man That Was Oki Doc
Of all, he was the most gentle,
with a ready smile for all those who greet him
Kind eyes of his that melt with other people’s plight, warm hands that heal the sick and the wounded – men, women and children alike
In his presence, you will never feel any disregard, he never put on airs even if he deserves a place in a pedestal
Diligence was his namesake, he’s never tired—a husband, a father, a businessman, a doctor, a friend and a public servant, all rolled into one
Others may not know of him, but Batangas City will never forget, The Man That Was “Oki Dok” – THE HONORABLE CITY COUNCILOR GLENN ALDOVER…
Cry for a time we will, for you will be missed but, we will never stop celebrating the life you’d shared with us, for in our hearts you are still and will always be “THE MAN”
Be with us always and together with our Holy Father, continue to look upon us so that we may live a life as worthy as yours.
The Sangguniang Panlungsod ng Batangas salutes Councilor Glenn “Oki Dok” Aldover — it has been an honor…”
|#BALIKAS_News