31.7 C
Batangas

NGCP CALABA Energy Corps, nanumpa

Must read

- Advertisement -

By BHABY P. DE CASTRO

LUNGSOD NG BATANGAS – Pormal na nanumpa ang mga nahalal na opisyal ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) CaLaBa (Cavite-Laguna-Batangas) Energy Corps sa isang simpleng seremonya sa tanggapan ng NGCP sa Binan, Laguna kamakailan.

Pinangunahan ni Philippine Information Agency (PIA) Calabarzon Regional Director Ma. Cristina C. Arzadon bilang inducting officer ang naturang panunumpa.

Ayon kay Ivory Roguel, Regional Communications and Public Affairs Senior Associate ng NGCP South Luzon, ang panunumpa ng mga media practitioners ay bahagi ng hakbang ng NGCP upang maging katuwang ang mga mamamahayag na nasasakop ng Cavite, Laguna at Batangas para ipalaganap ang mga impormasyong maaaring ibahagi sa publiko lalo na ang pag-iingat sa mga transmission lines ng NGCP.

Sa mensahe naman ni Arzadon, sinabi nito na nagagalak siya dahil siya ang nanguna sa panunumpa ng mga halal na opisyal at nagbigay ito ng kasiguruhan na patuloy na magiging kaagapay ng NGCP at mga media practitioners ang PIA sa pagpapalaganap ng impormasyon.

“Asahan niyo po na kami sa PIA ay patuloy na magiging katuwang ng NGCP at lahat ng media practitioners sa Calabarzon para sa tama at napapanahong impormasyon. Bago po ako naging bahagi ng aming tanggapan ay dating media practitioner din ako kaya’t may mga pagkakataong nararanasan ko din ang mga nararanasan ng mga media practitioners na andito. Sabi nga nila once a reporter, always a reporter kaya’t sama-sama po tayo sa pagpapalaganap ng impormasyon para sa ikabubuti ng nakararami,” ani Arzadon.

Ang mga sumusunod ay ang mga nahalal na opisyal ng NGCP CaLaBa Energy Corps:- President: Daniel Castro (DZJV);  Vice President for Cavite Rebecca Velasquez (PMC); VP for  Laguna – Turing Crisostomo (The Morning Chronicle); VP for Batangas: Bhaby De Castro (PIA Batangas); Secretary – Josephine Escovidal (Expose and THISKwento magazine);

Board Managers for Print  – Ma. Franchesca Orlain – Cavite Times Journal (Cavite); Rommel Madrigal  – Balitang Pinoy (Laguna), at Dhezz Aclan – Headlines News Today (Batangas);

Board Managers for Broadcast – Grace Maniaga – PTV4 (Cavite); Edjun Mariposque – GMA 7 ( Laguna) ; at Renz Belda – DZRH/DWAL FM (Batangas);

Board Managers for Online Ruel Francisco – PIA Cavite (Cavite);  Robert Maico – GMA 7 (Laguna); at Joenald M. Rayos – Pahayagang Balikas (Batangas).|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -