By JOENALD MEDINA RAYOS
(4th Update; 1st publised, March 21, 2020 ) โ PATULOY pang lumobo ang bilang ng mga naitatalang nagpositibong kaso ng 2019 Corona Virus Disease (COVID-19) sa bansa sa bansa ayon sa ulat ng Department of Health ngayong araw. Naparagdag ang 90 bagong nakumpirmang kaso kaya umabot na sa 552 ang kabuuang naitatalang positibong kaso sa bansa.
Mula ng maitala ang unang kaso ng COVID-19 sa bansa noong Enero, 365 ang nakumpirmang kaso nitong nagdaang isang buong lingo na halos doble ng nauang naitala mula noong Enero.
Bagaman at hindi lahat inihayag ng DOH kung mga taga-saang mga lugar o probinsya sa bansa ang mga bagong nagpositibo sa COVID-19, tinukoy naman sa ilang panayam na unti-unti na ring naragdagan ang mga nagpositibo sa labas ng Luzon.
โKaya po tumaas ang bilang ng mga nagpopositibo ay dahil mas marami nap o tayong natetest ngayon. At kahit ito pong pagtaas ng bilang ay nakakalungkot na balita, maganda na rin po na ating malaman kung sino ang positive sa COVID-19 para po sila ay mabigyan kaagad ng kaukulang pag-aalaga,โ pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
โSa maagang deteksyon, mas maraming tao tayong mabubuhay at maililigtas,โ dagdag pa ng opisyal.
Samantala, nilinaw ni Vergeire na bagaman at may dumating na 100,000 bagong test kits sa bansa ay hindi ito nangangahulugan na maipatutupad ang mass testing. Hindi ito aniya nangangahulugan na 100,000 pasyente rin ang maaaring makagamit nito sapagkat ang minimum na nagagamit ng isang pasyente ay dalawang test kits. Bukod dito, kailangan ding iosa alangalang ang maayos na pasilidad o laboratory at ang mga personnel na may kasanayan para isagawa ang pagtetest.
Ilan sa mga bagong naitalang kaso ng nagpositibo ay isang mataas na opisyal ng militar at kaniyang maybahay na kapwa nakaratay ngayon sa Veterans Memorial Hospital, ilang pasyente sa Laguna, Batangas at Bulacan.
Recoveries at Fatalities
Ngayong araw, tig dalawa rin lamang ang napadagdag sa tala ng mga nakarekober sa COVID-19, gayundin ang mga pumanaw.
Panawagan ng DOH, ay patuloy na seryosohin ang mga ipinatutupad na protocol sa ilalim ng enhance community quarantine sa buong Luzon.
โAtin pong ituloy an gating laban kontra COVID-19 upang hindi na ito tuluyang lumala. Kaya po sana, huwag na tayong lumabas n gating bahay kung hindi naman kinakaiolangan para hindi na tayo mahawahan o makapanghawa. Kung kailangan namang lumabas, magpractice po tayo ng social distancing measures,โ panawagan pa ni Vergeire.|โ BALIKAS News Network