24.5 C
Batangas

OCVAS doble higpit laban sa African swine fever

Must read

- Advertisement -

DOBLE ang paghihigpit na ginagawa ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services upang hindi mapasok ng African swine fever (ASF) ang livestock industry sa Batangas City sa pamamagitan ng constant monitoring at inspection at pagtuturo sa mga live-stock raisers kung papaano mapana-tiling malusog at ligtas sa anumang sakit ang kanilang alagang baboy.

Ayon kay OCVAS chief Dr. Macario Hornilla, may koordinasyon din ang OCVAS sa Provincial Agriculture para sa implementasyon ng total ban ng pagpapasok ng live animal sa Batangas mula sa ibang probinsya.

Mahigpit na ipinatutupad ng OCVAS ang bio security kung saan may mga itinalagang inspection area sa mga barangay. Dito ay dini-disinfect ang mga papasok at lalabas na mga sasakyan.

Chine-check din ang mga papeles/dokumento kagaya ng veterinary health certificate at iba pa ng mga papasok at lalabas na mga live animals partikular ang mga alagang baboy at maging ang pagpapasok ng mga haulers mula sa ibang lugar.

“Pinaaalalahanan namin ang mga nag-aalaga ng baboy, humahawak o nagtitinda na maging maingat. Sumunod sa mga batas at alituntuning na ipinatutupad ng Department of Agriculture (DOA), kagaya ng regular na paglilinis at pagdi-disinfect ng lugar. Mahigpit ding ipinagbawal ang pagpapakain ng kaning baboy na siyang sinasabing dahilan ng ASF sa bansa,” dagdag pa ni Dr. Hornilla.

Ligtas aniyang kainin ng tao ang karne ng baboy na may ASF. Ganoon pa man ay tiniyak niyang walang ASF ang mga karneng baboy na ibinebenta sa ating pamilihan lalo pa nga’t sa slaughter house ng lungsod kinatay at dumaan sa pagsusuri bago ibenta sa mga palengke.

Sinabi rin ni Dr. Hornilla na napakabilis kumalat o makahawa ng ASF na nakaapekto na sa may 22 bansa. Magtatagal aniya bago muling makabawi ang industriya ng pagbababuyan ang isang probinsyang maapektuhan nito.|

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

By Elyssa Lopez, Philippine Center for Investigative Journalism Liquefied natural gas may be a new industry in the local energy sector, but old names are behind the companies bringing the technology to Philippine shores.  Based on proposals submitted to the Department...
Compensation claims as a result of the sunken MT Princess Empress’s massive oil spill in Tablas Strait could surpass those filed in the aftermath of the 2006 sinking of the MT Solar in Guimaras Strait, Quezon City Rep. Marvin...
Four SM Executives led the charge among 100 notable Certified Public Accountants (CPAs) in the country as they were conferred the Centenary Awards of Excellence for their outstanding contributions in the advancement of the accountancy profession. The Centenary Awards of...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -