22.9 C
Batangas

‘Pagbuhay sa PNOC at oil fund, solusyon sa mataas na presyo ng langis’ – Marcos

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City – SA patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo o ang kawalan ng matatag na presyo nito sa pandaigdigang merkado na siyang nagiging dahilan ng mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin at transportasyon sa bansa, may nakikitang solusyon si Nacionalista Party senatoriable Imee Marcos na aniya’y tiyak na workable para gawin ng pamahalaan.

Sa kaniyang pagbisita sa Lungsod ng Batangas kamakailan, sinabi ni Marcos na may pag-asa pang solusyunan ang mabilis na pagmahal ng presyo ng produktong petrolyo kung ang pamahalaan mismo ang mag-iimbak ng produkto sa panahon na mababa anfg bentahan sa pandaigdigang merkado at maipagbili ito sa mababang halaga rin sa local transport sector sa panahon na sumisipa namang pataas ang presyo nito.

“Noong panahon ng tatay ko, binuo niya ang Philippine National Oil Corporation (PNOC) na siyang nag-iimbak ng produktong petrolyo upang siyang umayuda sa local transport sector kapag nagmamahal na ang langis sa pandaigdigang pamilihan, at nakikita natin na sa ganito ring pamamaraan natin maaayudahan ang ating transport sector,” paliwanag pa ni Marcos.

Matatandaan na noong panahon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, hindi niya hinayaan na maging sunud-sunuran lamang ang Pilipinas sa oil cartel ng mga bansang Arabo na siyang ginagamit bilang economic weapon, kung kaya binuo niya ang PNOC.

Pagkalipas ng administrasyong Marcos, inabolished na ng pamahalaan ang oil fund at isinapribado na ang PNOC. Resulta nito, balik na naman ang mga motoristang Pilipino sa kung ano ang idinidikta ng world market pagdating sa presyuhan ng produktong petrolyo. “Mahalagang silipin natin na maibalik ang oil price stabilization fund para protejktahan ang ating mga kababayang Pilipino sa pabigla-biglang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo,” dagdag pa ni Marcos. |#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Who’s excited for the Batangas City Fiesta?  Show that signature Batangueño love 🫶🏻 for #TeamBardagulan as they celebrate with us this January 16 and welcome LUXE SLIM in the land of Barakos!  But wait, there’s more! Our very own Miss Tourism...
THE Supreme Court (SC) reiterated that not having enough money to fund a nationwide campaign does not automatically mean a candidate should be considered a nuisance candidate. The SC En Banc, in a Decision written by Senior Associate Justice Marvic M.V.F....
Lipa-Malvar, Batangas – The United States Agency for International Development (USAID) recently visited LIMA Estate in Lipa-Malvar, Batangas, to explore its vital role in driving industrial growth, job creation, and economic development in the region.  Aboitiz InfraCapital takes pride in advancing...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -