27.8 C
Batangas

Pasaherong tumalon sa dagat, nasagip ng mga tripulante

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

PORT OF BATANGAS – HINDI pa matiyak ang dahilan kung anong nag-ugyok sa isang pasahero ng barko kung bakit ito tumalon sa dagat kahapon ng umaga.

Lulan umano ng barkong FastCat na pag-aari ng Archipelago Philippine Ferries Corporation, ikinabigla umano ng iba pang mga pasahero at tripulante ang biglang pagtalon ng di pa nakilalang pasaherong lalaki habang naglalayag ang barko patungong Port of Calapan sa Oriental Mindoro.

Kaagad din namang nasagip at nailigtas ng mga rumespondeng tripulante ang tumalong pasahero na nagdulot naman ng ibayong pagkaantala ng biyahe ng naturang barko.

Wala namang ibinigay na iba pang detalye ang pamunuan ng FastCat hinggil sa pagtalong ito ng kanilang pasahero. (With Ghadz Rodelas) | #BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
MANILA, Philippines — THE U.S. Embassy in the Philippines will open a new Visa Application Center (VAC), launch an updated visa appointment system, and expand call center services to U.S. citizens in the Philippines starting on September 28. The new...
TANAUAN City -- TUMINDIG at nanindigan ang mayoriya ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan City na harangin ang panukalang Php 615.7-milyong Supplemental Budget na anila’y hindi tamang paggastos ng pondo ng bayan. Sa regular na sesyon ng Sanggunian nitong Martes, Agosto...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -