By JOENALD MEDINA RAYOS
(Updated) INIHAHANDA na ngayon ng Lalawigan ng Batangas ang isang bagong pasilidad para kupkupin at arugain o i-quarantine ang mga magpopositibo sa 2019 corona virus disease (CoVid19).
Ito ang inihayag ni Batangas governor Hermilando I. Mandanas sa isang panayam, Huwebes ng gabi, Marso 19, at sinabing mismong ang Department of Health (DOH) na aniya ang nagbigay ng aprubal para sa nasabing hakbang.
“The good news is that we have already determined and already have… sought the approval of the DOH, we have already found a suitable place for quarantine for those who are confirmed to have this covid-19 case,” paunang pahayag ng gobernador.

Anang gobernador, nagdesisyon ang pamahalaang panlalawigan na i-accommodate sa isang bago at di pa nagagamit na hospital building ang mga nasabing confirmed Covid 19 cases at tiniyak na nakahanda ang nga medical team ay health services frontliners para rito.
Sinadya namang hindi banggitin ng gobernador kung saang bayan sa Lalawigan ng Batangas naroon ang sinasabing bagong ospital na may mahigit 20 private rooms at may hiwalay na lugar para sa emergency cases at sa mga medical team na mangangasiwa rito.
“We don’t have to mention the municipality but it is a newly-build hospital which has already five (5) new buildings with more than 20 private rooms, with a separate emergency area , and also residents for those who… the health care givers will be assigned there. So we are in coordination with DOH, and then, we only need the usual test kits, but so far, what we are trying to maintain is, you know, being at peace, no panic, and fortunately we have our own, like, dryrun of this kind of emergency with the eruption of taal volcano.,” dagdag pahayag pa ni Gob. Mandanas.
Nitong Miyerkukes ay inihanda ng Provincial Health Office (PHO), katuwang ang Provincial Engineering Office (PEO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at ilan pang kagawaran sa paghahanda ng nasabing pasilidad.|- BALIKAS News Network