By JOENALD MEDINA RAYOS
UMAKYAT na sa 217 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng 2019 Corona Virus Disease (CoVid-19) sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH), ganap na ika-4:00 ng hapon.
Sa pinakahuling bulletin ng DOH, 15 bagong kaso ng COVID 19 ang napadagdag [PH 203-PH217] ngayong araw.
Sa patuloy na tumataas na bilang ng kinakapitan ng sakit, isa lamang ang naka-recover ngayong araw.
Ang naka-recover na si PH 20, ang ika-8 sa bilang ng mga nakarekober, ay isang 48-anyos na lalaking taga-Lalawigan ng Cavite na may travel history sa Japan. Na-admit siya Research Instittute for Tropical Medical (RITM) noong Marso 7 at nailabas na matapos dalawang beses ng mag-negative sa Covid Test.
Samantala, nilinaw naman ng DOH na ang ika-17 bktima na namatay kahapon [PH57] ay isang 65-anyos na lalaki mula sa Lalawigan ng Bulacan na unan g napaulat na taga-Pasig City. Ayon pa sa DOH, samantalang nakita sa kaniyang Case Investigation Form na nanirahan siya sa Pasig, ang tinutukoy pala rito ay ang kapamilya ng biktima at hindi ang mismong tinaman ng sakit.|- BALIKAS News Network