25 C
Batangas

Regular clean-up sa 13 coastal barangays, ipatutupad na

Must read

- Advertisement -

ANG regular na paglilinis ng kanilang karagatan ang isa sa mga naging positibong pagbabago sa may 13 coastal barangays sa Batangas City bunga ng isinagawang education/information campaign ng cluster teams ng mga city government employees na tinatawag na KA-BRAD o Katuwang ang Barangay Responsable, Aktibo, Disiplinado.

Iprenisenta ng 13 coastal barangays ang kanilang mga programa at gawain kaugnay ng istriktong implementasyon ng RA 9003 o Solid Waste Management Act of 2000 sa Solid Baybay Cluster General Assembly noong February 7, sa barangay Ilijan.

Sa pamamagitan ng audio visual presentation (AVP) ay iniulat ng mga punong barangay at barangay leaders ang naging pagsisikap nila at ng mga residente para maisaayos ang solid waste management ng kani-kanilang barangay at ang malaking pagbabago nito kumpara noong bisitahin ito ng Ka- BRAD solid baybay cluster coordinators noong Nobyembre 2018 at sa kasalukuyan. Ipinagmalaki ng mga barangay ang kanilang regular na paglilinis ng tabing dagat bukod pa sa pakikiisa sa mga malawakang coastal clean-up.

Ipinakita rin sa kanilang AVP ang tamang pangangasiwa ng basura kung saan ang 13 barangay ay may Materials Recovery Facility (MRF), compost pit, magkakahiwalay na lagayan ng mga basura sa bawat tahanan at ang kanilang tree planting activities.

Pinasalamatam naman ni Mayor Beverley Dimacuha ang pagtalima ng mga residente sa nasabing batas at ang pakikiisa ng mga ito sa mga programang pangkalinisan ng lungsod.

“Ang clean and green program po ay sinimulan pa ni Mayor Eddie Dimacuha at ipinagpapatuloy po natin, inakda rin po ni Cong. Marvey ang E-Code, at ang Batangas City po ay awardee sa larangan ng clean and green,” sabi niya.

Naging bahagi rin ng general assembly ang open forum na pinangunahan nila City Environment Officer Oliver Gonzales at General Services Officer at Solid Waste Management Board Technical Working Committee Chairman Joyce Cantre.

Ang 13 coastal barangays ay binubuo ng Simlong, Talahib Pandayan, Talahib Payapa, Pagkilatan, Dela Paz Pulot Aplaya, Dela Paz Pulot Itaas, Pinamucan Ibaba, Ilijan, Tabangao Aplaya, Ambulong, Mabacong, Dela Paz Proper at Pinamucan Proper.| #

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

The 67th Session of the Commission on the Status of Women held on 6-17 March 2023 at the UNMHeadquarters in New York gathered representatives of member states, UN entities and non governmental organizations for the first in-person session since...
THE fans and critics have spoken. “AIR” is a real winner.  “AIR,” directed by Ben Affleck and featuring a star-studded cast led by Matt Damon, closed out the South by Southwest Festival to a wild standing ovation and rave reviews...
By JOENALD MEDINA RAYOS MOTORISTS and commuters plying the Balagtas-Bolbok Diversion Road in Batangas City who are always caught in heavy traffic especially during rush hours may find solace in the near future as the Depart-ment of Public Works and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -