By MARIE V. LUALHATI
ISA ang Batangas City sa dalawang lungsod sa Pilipinas na napilling city-sites para sa Center for Sustainable, Healthy, and Learning Cities and Neighbourhood Project (SHLC) na ipinatutupad ng Planning and Development Research Foundation, Inc. (PLANADES) na siyang foundation arm ng University of the Philippines School of Urban and Regional Planning (UP SURP) at University of Glasgow- Scotland sa pamamagitan ng United Kingdom’s Global Challenges Research Fund (GCRF).
Bukod sa Batangas City at City of Manila, 12 syudad pa sa pitong developing countries tulad ng South Africa, Tanzania, Rwanda, China, India, Bangladesh ang katuwang sa proyekto.
Ang SHLC ay apat na taong proyekto na nagsimula noong Octo-ber 2017 at matatapos sa September 2021. Ilan sa mga layunin nito ay higit na mapalakas ang research capacities ng mga policy makers at urban studies researchers, makapag buo ng systematic comparative study of cities urbanization and society sa neighbourhood level at makatulong para matugunan ang suliranin sa mabilis na urbanisasyon at makamit ang mga layunin sa ilalim ng Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations (UN).
Naka-focus ang proyekto sa tatlo sa 17 Sustainable Development Goals ng UN. Ito ay ang goal no. 3- good health and well-being, goal no. 4- quality education at goal no. 11- sustainable cities and communities.
Kaugnay nito ay bumisita sa Batangas City kamakailan ang may 42 kinatawan mula sa local at international partners ng SHLC. Kabilang dito ang mga professors/researchers mula UP Diliman, University of Glasgow, at iba pang unibersidad at ahensya sa iba’t ibang bansa tulad ng United Kingdom, Bangladesh, India, Tanzania, South Africa at iba pa.
Bilang bahagi ng kanilang pag-aaral sa lungsod, pumunta ang grupo sa Purok Uno, Sitio Makukak at Edwardson Settlement sa Brgy. Sta. Clara na kabilang sa low-income neighbourhood; sa Barangay 7 na classified bilang isang heritage at middle income community at Greenwoods Subdivision, Brgy. Pallocan Silangan na isang high-income community o neighbourhood.
Ayon kay Dr. Mario Delos Reyes, President, Centre for Neighbour-hood Studies at Professor at dating Dean ng UP-SURP at dati ring Presidente ng PLANADES na ngayon ay tumatayong Co-International Investigator at In-Country Project Leader for the Philippines, maaring mabigyan ang mga neighbourhoods o communities ng assistance o intervention sa mga nakita nilang pangangailangan ng mga barangay /communities na ito sa pamamagitan ng tulong na technical o small grant projects na maaring manggaling sa mga funding partners tulad ng German, Italian at British Embassies at iba pang local at international agencies na nagbi-bigay ng grant projects. Ang Centre for Neighbourhood Studies (CeNS) ay nagbibigay ng advice at tumatayong matchmaker na gumagawa ng proposals para maipatupad ang mga proyektong ito.
Idinagdag pa ni Prof. Delos Reyes na noon pa man ay nagsa-gawa na sila ng data gathering sa lungsod sa tulong at pamamagitan ng City Planning and Development Office (CPDO), Batangas City, sa pangunguna ni Engr. Sonny Godoy, CPDC, immersion sa mga partner barangays o neighborhood at nagsagawa ng mga workshops sa mga barangay ayon sa kanilang pangangailangang datos.
Ngayong taon ay magsisimula na ng survey sa mga mapipiling mga neighbourhoods/communities. Sa pagtatapos aniya ng proyekto sa susunod na taon ay magbibigay sila ng mga recommendations base sa naging comparative study ng 14 cities kung paano ang urbanisasyon ay nakakaapekto sa kalusugan, edukasyon at iba pa o kung paano ang kalusugan, at edukasyon ay nakakaapekto sa urbanisasyon.
“Bibigyan rin namin ang dala-wang cities ng kopya ng resulta ng mga pag-aaral, mga rekomendas-yon mula sa datos na nakuha sa mga lungsod na tinukoy at mula sa mga pinagsama-samang datos ay makabuo ng isang analysis upang malaman kung paano makakamit ang isang sustainable, healthy at learning cities and neighbourhoods,’ dagdag pa ni Delos Reyes.
Labis namang nasiyahan ang delegasyon sa mabuting pagtanggap sa kanila ng mga taga lungsod. Nagkaroon ng Mayor’s Night kung saan mainit ang naging pagtanggap sa kanila nina Mayor Beverley Rose Dimacuha at Cong. Marvey Marino. Nasiyahan din sila sa cultural performance ng Likhang Sining Dance Group ng Marian Learning Center at Science High School kung saan nagpaturo pa sila ng pagsayaw ng “Tinikling.”
Bumisita rin sila sa Acosta Pastor Ancestral House kung saan sila ay inaliw ng mga awit at pagtugtog ng piano ng magkapatid na Atty. Tonying at Pitoy Pastor. Umawit din dito ang 3-man-group na One Syllable. Nagpasalamat din ang grupo sa suporta ng CPDO sa SHLC project.
“We set the bar high, they were impressed and the visit was so memorable. They have experienced the Batangas City hospitality, very different from what they have experienced in other countries,” pagtatapos ni Delos Reyes.| – BALIKAS News Network