27.3 C
Batangas

Tulak ng droga, patay matapos manlaban sa mga pulis na naghain ng search warrant

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

SAN PASCUAL, Batangas – BINAWIAN ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isang tambay na hinihinala ring tulak ng iligal na droga matapos umanong manlaban sa mga alagad ng batas sa bayang ito nitong Sabado ng gabi, Hulyo 21.

Kinilala ni PCInsp. Julius Casibo Alvaro, hepe ng San Pascual Municipal Police Station ang suspek na si Jeffrey Cailing Espeleta a.k.a Barok, may sapat na gulang, binata, at residente ng Barangay Sambat, bayang ito.

Sa ulat ni Alvaro kay PSSupt. Edwin A. Quilates, panlalawigang direktor, naghain umano ng Search Warrant ang mga operatiba kaugnay ng umano’y mga paglabag ng suspek sa  R.A. 9165 at R.A. 10591 bandang alas-nueve y media ng gabi ngunit sa halip na sumuko ng suspek ay pinaputukan nito ang mga pulis, dahilan upang gumanti ang huli at mapuruhan ang suspek.

Nagtamo si alyas Barok ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan dahilan upang bawian ng buhay habang nasa emergency room ng Dr. Mario Bejasa Hospital sa bayan ng Bauan.

Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang may 26 na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang sa 2.0 gramo at may street value na Php 20,000.00. Narekober din ang isang cellular phone, isang caliber .45 pistol Armscor na walang serial number ngunit kargado ng isang live ammunition at isa pang magazine na kargado ng tatlong (3) live ammunition, at mga basiyo ng iba’t ibang kalibre ng baril.

Nabatid pa na ang suspek ay nasa drug watchlist ng pulisya sa bayan ng San Pascual at dati na ring naaresto noong Oktubre 25, 2015 sa kasong paglabag sa Anti-Dangerous Drugs Act.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

San Miguel Corporation (SMC) is undertaking the P44.77-billion Nasugbu-Bauan Expressway (NBEX) project that will provide a faster connection between the eastern and western portions of Batangas province. This comes after the Batangas provincial government granted the company’s infrastructure arm, SMC...
The 67th Session of the Commission on the Status of Women held on 6-17 March 2023 at the UNMHeadquarters in New York gathered representatives of member states, UN entities and non governmental organizations for the first in-person session since...
Responsive and committed government financial institution. In pursuit of its commitment to help other government institutions in optimizing operating efficiency and public service, the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) turned over previously used office, furniture, and IT equipment to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -