26.4 C
Batangas

Update sa Lipa City election protest: Ballot boxes, dinala na sa Maynila

Must read

- Advertisement -

“TOTOO na nga ito, hindi ito fake news tulad ng ipinamamalita ng mga tagasuporta nila.”

Ito ang pahayag sa BALIKAS News ng isang kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Lipa na ayaw magpabang-git ng pangalan nang makita niyang isa-isa nang ikinakarga sa mga trak ang 245 na ballot boxes mula sa kustodya ng City Treasurer’s Office sa lungsod at dalhin sa warehouse ng PhilPost Corp. sa Intramuros, Maynila na nasa kustodya naman ng Commis-sion on Elections (COMELEC), Pebrero 11.

Matatandaang naghain ng election protest at recount ng mga boto sa pagka-alkalde sa Lungsod ng Lipa si Gng. Bernadette P. Sabili, tumakbo sa pagka-alkalde sa ilalim ng Nacionalist People’s Coalition (NPC), laban kay Mayor Eric B. Africa na tumakbo naman sa ilalim ng Nacionalista Party.

Kamakailan ay ipinag-utos ng COMELEC – Second Division na siyang may hawak ng Election Protest Case (EPC) No. 2019-003 ang paglilipat sa Maynila ng mga nasabing urna upang matiyak ang seguridad ng mga election documents and paraphernalia.
Isinasaad sa Unanimous ORDER ng Comelec na may petsang Agosto 30, 2019 na may tamang FORM and SUBSTANCE ang petisyon ni Sabili alinsunod sa hinihingi ng Comelec Resolution No. 8804 (Comelec Rules on Procedure on Disputes in an Automated Election System).

Ayon pa sa nasabing Order, “The recount proceedings will determine if the claim of the protestant that she obtained the plurality of votes is true. For the protestee, the recount pro-ceedings could cement his authority as the duly elected Mayor of Lipa City, as the clouds of doubt on his legitimacy to the position would be cleared.”

Matatandaang idineklara ng City Board of Canvassers bilang alkalde si Africa matapos makakuha ng kabuuang boto na 78,109 kumpara kay Sabili na nakakuha ng 76,511 boto. Sa tala ng Comelec, lumamang lamang si Africa ng 1,598 boto.

Ang Lungsod ng Lipa ay may kabuuang 200,706 rehistradong botante, at 162,042 nito ay nakaboto noong Mayo 13. Batay sa Certificate of Canvass, ang naitalang lamang ni Africa kay Sabili ay katumbas ng 0.79% ng bilang ng rehistradong botante at 0.98% naman ng mga botanteng nakaboto noong nagdaang eleksyon.

Sa isang panayam, sinabi ni Sabili na umaasa siyang magtutuluy-tuloy na ang proseso ng recount upang once and for all ay mabigyang hustisya ang anumang naging usapin sa nagdaang halalan at madeter-mina kung anong tunay na nangyari sa pagboto ng mga Lipeno.

Umaasa naman ang mga Lipeña na sa pag-usad ng kasong ito ay mabibigay-linaw na rin sa hinaharap ang tunay na resulta ng nakalipas na May 13, 2019 National and Local Elections.| Balikas News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Philippine Coast Guard sa utos ni Commandant CG Admiral Ronnie Gil L Gavan, ang insidente ng banggaan ng isang pampasaherong fastcraft at isang barge sa laot ng Barangay San Agapito, Isla Verde, Batangas City nitong Miyerkules...
HOLD your horses! Corrida de Cavalos Cidade de Calaca once again ignites the interest of horse enthusiasts and devotees of Saint Raphael the Archangel. On March 27, 2024, Holy Wednesday, the city will hold its Festival of Horses at...
THE Subdivision and Housing Developers Association (SHDA) Inc. recently concluded the 2024 Real Estate Developers Golf Cup at the prestigious Wack Wack Golf & Country Club. The tournament, which brought together industry leaders and enthusiasts, witnessed some outstanding performances,...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -