28.4 C
Batangas

Villar, pasok sa UniTeam senate slate

Must read

- Advertisement -

KINUMPIRMA ni presidential aspirant Ferdinand  ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na kasama sa binubuong senate slate ng  BBM-Sara UniTeam si dating Department of Public Works and Highway (DPWH) Secretary Mark Villar.

Kabilang si Villar sa mga kasamang senatoriables ni Marcos Jr. kaninang umaga sa UniTeam Rally na isinagawa sa Bacoor City, Cavite.  Nilinaw rin ni Marcos na isa si Villar sa mga unang isinama sa kanilang senate slate.

“Well that is not a surprise for me, because to tell you the truth, Mark Villar is one on the first of our senatorial lists because siya ang una kong nakausap,” paliwanag ni Marcos Jr.

Ayon pa kay Marcos Jr., matagal na niyang kausap si Villar hinggil sa plano nitong pagtakbo bilang senador.

“Bago pa magfiling maliwanag ang kanyang balak na tumakbo bilang senador at magkaibigan naman talaga kami ng mga Villar dahil galing nga ako ng Nacionalista Party (NP),” sabi ni Marcos Jr.

Nabanggit din ni Marcos Jr. na malapit nang ianunsyo ng BBM-Sara UniTeam ang kumpletong senatorial slate nito sa mag susunod na linggo.

“By the way I fully intend to announce our Senatorial line up in the next few days because medyo nabubuo na. We just have to fix the arrangement between the different parties. Yun na lang, mga formalities na lang ng mga grupo,” pahayag ni Marcos Jr.| – BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -