26.2 C
Batangas

13+3 na ang COVID-19 sa Batangas

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

TATLO pang Batangueño ang nagpositibo sa COVID-19 bilang karagdagan sa naunang 13 kaso na iniulat noong Huwebes ng umaga ng Department of Health – Center for Health and Development sa CALABARZON.

Inianunsyo ng Rural Health Unit (RHU) ng Mabini, Batangas na isang 29-anyos na babaeng taga-Barangay Pulong Anahao ang naitalang unang nagpositibo sa naturang bayan. Batay sa ulat, nagkaroon ng direktang kontak ang pasyente kay COVID Patient #111 ngunit nagpakita lamang ng mild symptoms kaya sumailalim na kaagad sa home quarantine.

Si PH111 ay isang 44-anyos na lalaking mula sa Pasig City na ngayon ay nananatiling naka-confine sa St. Luke’s Medical Center – Global City.

Kinunan siya ng swab samples noong Marso 19, Huwebes at natapos naman ang kaniyang 14-araw na home quarantine kahapon, Marso 26, samantalang lumabas naman ang resulta ng swab test ngayong araw at nakumpirmang positibo siya sa corona virus.

Ayon pa sa report ng RHU, wala na umanong sintomas ngayon ang pasyente at isasailalim na lamang sa re-testing para maituring na recovered patient.

“The Municipal Government of Mabini is presently conducting contact tracing while adhering to the requirements of the Data Privacy Act. I ask all Mabinians to remain vigilant against COVID-19 and to continue to pray for the patients, for our frontliners, and for our beloved Mabini. I ask for your full cooperation,” pahayag ni Mabini mayor Noel Luistro.  

Bandang alas-6:00 ng gabi, isinapubliko ni Lipa City mayor Eric Africa ang pagiging positibo ng mag-asawang senior citizen sa lungsod.|

Sa Lipa City naman, inianunsyo ni Mayor Eric B. Africa na mag-asawang Lipeñong senior citizens ang nakumpirmang kapwa positibo rin sa COVID-19. Ayon pa kay Africa, ang mag-aswang pasyente [LC-P2 at LC-P3] ay 80 at 83 taong gulang na ay kapwa ihahatid na sa Amang Rodriguez Hospital sa Caloocan City, Metro Manila.

Matatandaang isinapubliko rin ni Africa noong Marso 14 ang pagiging positibo sa COVID-19 ng isang lalaking nasa isang ospital sa Maynila.

Plus 2 sa Batangas?

Samantala, sa mismong website ng DOH ay nakapost kagabi na may dalawa pang COVID-19 patients na naka-confine sa dalawang ospital sa Batangas City – ang Jesus of Nazareth at Golden Gate Batangas Hospital.

Mapapansing malinaw na nakatala sa DOH na tatlong ospital sa Batangas (Batangas Health Care Hospital – Jesus of Nazareth, Daniel O. Mercado Medical Center at Golden Gate ang may mga naka-confine na COVID-19 patients.|BNN Research

Ito’y sa kabila ng ulat ng City Health Office (CHO) na bukod sa isang nakarecover at isang pumanaw na ay nasa mga ospital sa Maynila ang tatlong iba pang COVID-19 patients na nakatala sa lungsod.

Sa oras na sinusulat ang balita, nananatiling 13 pa rin ang iniuulat na kaso ng Batangas Provincial Health Office (kabilang na ang inulat ng Mabini), samantalang lima (5) pa rin ang sa ulat ng City Health Office ng Batangas City. Ang pagkakaiba sa bilang ng naitatala ng PHO at CHO-Batangas City ay sa dahilang ang kanila umanong iniuulat ay nakabatay sa pagtanggap nila ng dokumentong nagpapatibay ng pagpositibo ng mga kaso mula sa DOH.|- BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -