26.8 C
Batangas

COVID sa Pinas, 803 kaso na!

Must read

- Advertisement -

UMAKYAT na sa 803 ang kabuuang kaso ng nagpopositibo sa COVID-19 sa buong bansa matapos makumpirma ang 93 bagong kaso sa nakalipas na 24 oras.

Sa pinakahuling bulletin ng Department of Health [DOH COVID-19 CASE BULLETIN #013] na inilabas nitong alas-4:00 ng hapon, Biyernes, tatlo (3) lamang ang bagong nakarecover kaya naging 31 ang bilang ng nakarecover; samantalang triple naman o siyam (9) ang napatalang namatay na ngayon ay nasa 52 na.

Ngayong araw ang pinakamataas na bilang ng napadadag na kaso simula ng sumipa ang bilang ng mga nakukumpirmang positibo noong Sabado.

Kapansin-pansin ang matataas na bagong kaso simula noong Marso 21, Sabado, kung kailan naitala ang 77 kaso, na sinundan ng 73 noong Marso 22 (Linggo), 83 noong Marso 23 (Lunes); 90 noong Marso 24 (Martes) at 84 noong Marso 25 (Miyerkules) at 71 kahapon, Marso 26.| – BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
MANILA, Philippines — THE U.S. Embassy in the Philippines will open a new Visa Application Center (VAC), launch an updated visa appointment system, and expand call center services to U.S. citizens in the Philippines starting on September 28. The new...
TANAUAN City -- TUMINDIG at nanindigan ang mayoriya ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan City na harangin ang panukalang Php 615.7-milyong Supplemental Budget na anila’y hindi tamang paggastos ng pondo ng bayan. Sa regular na sesyon ng Sanggunian nitong Martes, Agosto...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -