BATANGAS City — MAY 57 aplikante kasama ang ilang high school graduates ang hired on the spot sa job fair ng Public Employment Service Office na ginanap sa Batangas City Sports Coliseum.
May 1,024 ang nag-apply sa tinaguriang Handog ni Mayor Beverley Trabaho para sa mga Batangueรฑo.
Ang mga domestic job offers ay sales clerks, sales assistants, accounting staff, call center agents, fast food crew, engineers, skilled workers, nurses, laboratory technologists at ambulance drivers.
Ang mga overseas jobs naman ay mga skilled workers, nurses, seafarers at iba pa para sa Middle East, Japan at Malaysia.
Ang Bureau of Jail Management and Penology ay nangangailangan ng 2,000 jail officers para sa buong bansa.
Isa sa mga naging aplikante ay ang petroleum engineering graduate na si Reygil Norman Bayot. Ayon sa kanya, may trabaho siya ngayon sa Manila subalit nais niyang dito na lang magtrabaho sa probinsiya.
Para naman kay Alvin Lontoc, umaasa siyang matanggap sapagkat isang taon na siyang walang trabaho pagkatapos ng kanyang kontrata sa abroad.
Ilang mga high school graduates naman ang na hired bilang production operators sa mga electronic companies.| #