31.7 C
Batangas

Kaso ng COVID 19, umakyat na sa 217

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

UMAKYAT na sa 217 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng 2019 Corona Virus Disease (CoVid-19) sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH), ganap na ika-4:00 ng hapon.

Sa pinakahuling bulletin ng DOH, 15 bagong kaso ng COVID 19 ang napadagdag [PH 203-PH217] ngayong araw.

Sa patuloy na tumataas na bilang ng kinakapitan ng sakit, isa lamang ang naka-recover ngayong araw.

Ang naka-recover na si PH 20, ang ika-8 sa bilang ng mga nakarekober, ay isang 48-anyos na lalaking taga-Lalawigan ng Cavite na may travel history sa Japan. Na-admit siya Research Instittute for Tropical Medical (RITM) noong Marso 7 at nailabas na matapos dalawang beses ng mag-negative sa Covid Test.

Samantala, nilinaw naman ng DOH na ang ika-17 bktima na namatay kahapon [PH57]  ay isang 65-anyos na lalaki mula sa Lalawigan ng Bulacan na unan g napaulat na taga-Pasig City. Ayon pa sa DOH, samantalang nakita sa kaniyang Case Investigation Form na nanirahan siya sa Pasig, ang tinutukoy pala rito ay ang kapamilya ng biktima at hindi ang mismong tinaman ng sakit.|- BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

CBS China Bank Savings has moved up two notches in the Bangko Sentral ng Pilipinas’ 2023 ranking of thrift banks in terms of total assets.  From top four in 2022, CBS is now the second largest thrift bank with...
Makati City Rep. Luis Campos Jr., House appropriations committee vice chairperson, has pressed for the early release of the government’s P2.5 billion fuel cash subsidy to public transport drivers following a series of increases in the pump prices of...
As the lights dimmed at Cinema Exmundo in UP Visayas Cinematheque this Friday, April 19, anticipation coursed through the audience at the Leoncio P. Deriada Conference on Literature and Cultural Work. The spotlight was on Kevin Piamonte's "Dog Eaters," a...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -
Balikas News Network