33.3 C
Batangas

Gumaling ng CoVid-19 patient, nagpositibo muli at namatay

Must read

- Advertisement -

By BNN Reportorial Team

SAN JUAN, Batangas – KAPWA ikinalungkot at ikinagulat ng mga residenteng bayang ito sa Silangang bahagi ng Batangas ang nagging kapalaran ng isang residenteng dati ng nakarekober sa sakit na CoVid-19

Nito lamang Linggo, Agosto 9, iniulat ng Municipal Epidemiology Surveillance Unit (MESU) ng San Juan Municipal Health Office na nagpositibo muli sa CoVid-19 ang naitalang kauna-unahang CoVid-19 case sa bayang ito na naideklara nang fully-recovered noong Mayo 1, 2020.

Nabatid din na sumakabilang-buhay na siya noong Martes, Agosto 4, at sa raw ding iyon, nakunan pa ng swab specimen ang pasyenteng 60-taong gulang na lalaki na residente ng Barangay Mabalanoy; at nito nga lamang Linggo, lumabas ang resulta na nagpositibo ngang muli ang biktima.

Ipinagtataka naman ng mga residente ng bayang ito kung paaanong nagpositibo muli sa Covid-19 ang isang pasyente, gayong ayon sa ilang impormasyon ng Department of Health ay hindi na maikokosiderang bumabalik o nagpopositibo muli ang isang nakarekober na pasyente at kung magpositibo man sa isang test ay nangangahulugan lamang na may mga naiwang antibodies ng covid-19 sa sistema ng isang nakarekober na pasyente.

Ayon pa sa ulat ng MESU-MHO, may iba pang sakit ang namatay na pasyente na nakapagbiyahe pa patungo sa Lungsod ng Lipa makalipas unang makarekober sa sakit.

Hanggang sa sandaling sinusulat ang balitang ito, may 28 kumpirmadong kaso ng CoVid-19 sa bayan ng San Juan, sa bilang na ito, 19 dito ay active cases, 6 ang recovered at 3 ang pumanaw na.| – BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BATANGAS City -- PRESIDENT Ferdinand Marcos Jr. officially launched the opening of the new and improved Passenger Terminal Building (PTB) together with the Philippine Ports Authority (PPA) at the Port of Batangas Friday. The PTB of Batangas Port is the...
CBS China Bank Savings has moved up two notches in the Bangko Sentral ng Pilipinas’ 2023 ranking of thrift banks in terms of total assets.  From top four in 2022, CBS is now the second largest thrift bank with...
SARIAYA, Quezon – PALAISIPAN pa rin ngayon sa mga residente ng bayan ng Sariaya at sa mga environment advocates ang mistulang kawalan ng kongkretong aksyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), partikular ng Protected Area Superintendent para...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -
Balikas News Network