29.6 C
Batangas

Arada, Martinez, iniluklok pagkasuspinde kay Fronda

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BALAYAN, Batangas โ€“ MAKALIPAS ang isang buwang paghihintay mula ng ipag-utos ng Office of the Ombudsman sa Deparment of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang suspensyon ni Balayan mayor Emmanuel Salvador โ€œJRโ€ P. Fronda II, isinilbi na ni DILG-Batangas provincial director Adelma Mauleon ang nasabing pagsuspinde sa alkalde noong Biyernes ng hapon, Agosto 31, at iniluklok naman bilang bagong punumbayan si Vice Mayor Joel Arada at bilang bagong bise-alkalde si Kagawad Marlon Martinez.

Nag-ugat ang suspensyon ni Fronda sa dating reklamo ng isang 14-anyos na babae sa umanoโ€™y panghahalay sa magkakahiwalay na pagkakataon noong taong 2016.

ANG sinuspindeng mayor, Emmanuel Salvador “JR” P. Fronda II, habang nagtatalumpati kaugnay ng pagdiriwang ng National Heroes Day kamakailan.|Larawan mula sa FB post ni GHIE CORTEZ

Matatandaang kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng panggagahasa si Mayor JR samantalang sinampahan naman ng qualified seduction si Chief Inspector Christopher Guste, dating hepe ng Balayan police, at si Barangay 12 Chairman Romero Fronda-Erilla, pinsan ng alkalde.

Base sa sinumpaang salaysay ng 14-anyos na biktima sa NBI, pinagpasa-pasahan umano siya ng tatlo sa magkakahiwalay na pagkakataon.

Noon namang Marso 2017, kinasuhan ni Fronda sina NBI agents Aristotle S. Adolfo at Marie Catherine R. Nolasco dahil umano sa violation of Section 1 (b) of Presidential Decree No. 1829, or penalizing obstruction of apprehension and prosecution of criminal offenders; grave misconduct, and conduct prejudicial to the best interest of public service.

Di kalaunan, dinismis ng Department of Justice (DoJ) ang kasong kriminal laban kay Fronda.

Sa kabila nito, umusad naman ang mga kasong administratibo na isinampa sa Ombudsman laban sa nasuspindeng alkalde na nag-ugat din sa sinasabing reklamo ng panggagahasa.

Nauna ritoโ€™y nagsampa ng reklamo sina Adolfo at Nolasco sa Office of the Ombudsman [OMB-L-A-17-0045] ng kasong Grave Abuse of Authority, Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, and Grave Misconduct laban kay Fronda, bukod pa sa isang hiwalay na reklamo [OMB-L-A-17-0049] for Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, and Grave Misconduct na isinampa naman ni Gng. Almira R. Torres, ina ng sinasabing biktima sa naunang kaso ng panghahalay.

Noong Nobyembre 27, 2017, nagpalabas ang Office of the Ombudsman ng isang Consolidated Decision sa dalawang kasong nabanggit sa pamamagitan ni Graft Investigation and Prosecution Officer II Ma. Czarina D. Castro-Altares laban kay Fronda, nirebyu ito ni Direktor Margie G. Fernandez-Calpatura ng Administrative Adjudication and Prosecution Bureau C noong Disyembre 4, 2017, ngunit umabot pa ng mahigit apat na buwan bago nag-concur si OIC-Assistant Ombudsman Gil Felix A. Hidalgo noong Abril 23, 2018. Kinabukasan rin, nilagdaan ni Deputy Ombudsman for Luzon Gerard A. Mosquera ang recommending approval sa desisyon; at inaprubahan naman ito ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales noong Hunyo 28, 2018.

Paliwanag ng Ombudsman, ang mga isinalaysay sa reklamo ay hindi mapagbabatayan ng husgado upang idiin ang inirereklamong si Fronda sa mga kasong Grave Abuse of Authority, Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, and Grave Misconduct sapagkat ang mga inirereklamong gawi o inasal ng dating alkalde ay walang kinalaman sa kaniyang pagganap bilang punumbayan ng Balayan. Ngunit ito umano ay di nangangahulugan na walang pananagutan si Fronda sapagkat ang kaniyang inasal at naging gawi ay itinuturing na disgraceful and immoral conduct.

Sa ilalim ng Administrative Code of 1987 at Revised Rules on the Administrative Offense of Disgraceful and Immoral Conduct, ang sinasabing โ€œDisgraceful and Immoral Conductโ€ is an act which violates the basic norm of decency, morality and decorum abhorred and condemned by the society and conduct which willful, flagrant or shameless, and which shows a moral indifference to the opinions of the good and respectable members of the community.โ€

Paliwanag pa sa desisyon, โ€œang mga naging kilos o gawi ng inireklamong opisyal ay malinaw na paglabag sa panuntunang ito, โ€œang magkaroon ng pagnanasa sa isang menor-de-edad kapalit ng salapi, meron man o walang pagsang-ayon ng biktima, ay kasuklam-suklam lalo na sa isang pampublikong opisyal na inaasahan ng lipunan ang mataas na antas ng kagandahang-asal at moralidadโ€.

Isinasaad sa Desisyon ng Ombudsman na ang respondent na si โ€œEmmanuel Salvador P. Fronda II is found GUILTY of Disgraceful and Immoral Conductโ€ kung kayaโ€™t pinatawan siya ng parusang pagkasuspinde ng siyam (9) na buwan ng walang sahod.

Ipinag-utos rin ng Ombudsman sa Desisyon na kailangang ipatupad ito ng DILG at mag-ulat sa Ombudsman ng gayong pagpapatupad ng Desisyon sa loob ng 15 araw pagkatanggap ng Desisyon, alinsunod sa Section 7 Rule II of Administrative Order No. 17 in relation to OMB Circular No. 01 Series of 2006.

Hulyo 20, nilagdaan naman ni Assistant Ombudsman Edna E. Diรฑo ang Indorsement Letter sa DILG para sa pagsisilbi ng Consolidated Decision, ngunit ang 15 araw na palugit upang magbigay ng ulat ang DILG ayon sa isinasaad sa Desisyon ay naging 30 araw, sa Indorsement ni Diรฑo. Mula sa Agham Road, Diliman, Q.C., umabot pa ng ika-11 araw bago ito natanggap ng DILG noong Hulyo 31, 2018, at ng mga nagreklamong NBI agents at inireklamong dating mayor kinabukasan, Agosto 1, 2018.

Dalawampung araw pa muli ang lumipas bago nagpalabas ng Memorandum si DILG Undersecretary Austere A. Panadero para ipag-utos kay Regional Director Manuel Q. Gotis na ipatupad ang Consolidated Decision ng Ombudsman. Sampung araw muli ang lumipas bago pa nagpalabas ng kautusan si Gotis noong Agosto 30 ng Memorandum sa pagsisilbi ng Desisyon.

Long and disgusting farewell drama?

Bago tuluyang nagsara ang opisina noong Biyernes ng hapon, personal na iniharap ni DILG Batangas director Mauleon ang nasabing Memorandum kay Vice Mayor Joel T. Arada na nagluluklok sa kaniya bilang bagong Punumbayan ng Balayan sa pagkabakante ng posisyong iniwan ni Fronda.

Dahil dito, pormal ding iniluklok si first Councilor Marlon Martinez bilang bagong Bise-Alkalde ng Balayan.

ANG mga bagong luklok na sina Vice Mayor Marlon Martinez at Mayor Joel T. Arada ng Balayan, Batangas.|

Sa pagluluklok sa mga bagong lider ng bayan ng Balayan, mistulang natapos ang umanoโ€™y paulit-ulit na pamamaalam [o ayon sa isang blog ay long and disgusting farewell drama] ni Fronda simula pa ng matanggap nito ang kopya ng desisyon ng Ombudsman.

Noong Agosto 6, sinabi ni Fronda matapos ang flag raising ceremony sa munisipyo na ang pagkasuspinde sa kaniya ay walang kinalaman sa kaniyang kasong kinaharap dati sa DOJ sapagkat nadismis na yun, at ang pagsuspinde sa kaniya ay dahil sa kasong administratibo. Ngunit hindi naman niya nilinaw na ang kasong administratibong ito at ang kasong kriminal na dinismis ng DOJ ay nag-ugat sa reklamo ng panghahalay umano niya sa isang 14-anyos na dalagita noong 2016.

Noong May 2016 elections, si Fronda ay tumakbo sa ilalim ng Nacionalista Party; si Arada ay sa Liberal Party, samantalang si Martinez ay independiente. Si dating Kagawad, at ngayon ay Vice Mayor Martinez ay second cousin ni dating Balayan mayor Benjamin E. Martinez, Jr.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

ILANG araw na lang ang nalalabi ay matatanggap na ng mga kwalipikadong empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kanilang bonus! Inihayag ni Governor Hermilando I. Mandanas na pinoproseso na ang paghahanda ng pag-release ng naturang bonus sa ilalim ng...
Land subsidence, or the gradual sinking of the ground, threatens not only Metro Manila but also other cities. Excessive groundwater extraction, rapid urbanization, tectonic motion, and the natural compaction of sediments contribute to land subsidence worldwide. This issue is worsened...
RESEARCHERS from the University of the Philippines โ€“ Diliman College of Science (UPD-CS) are recipients of the Universityโ€™s first-ever recognition for its Research, Extension, and Professional Staff (REPS). The UP Diliman REPS Chair and REPS Awards aims to recognize the...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -