BATANGAS City – PINUNA kamakailan ng isang kagawad ang reklamo ng ilang pasyente sa Batangas Medical Center (BatMC) na hindi payagang makalabas dahil sa malaking bayarin.
Sa malayang oras ng regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod, binanggit ni Kagawad Oliver Macatangay ang concern ng ilang pasyente sa BatMC na gusto nang makalabas o makauwi ngunit hindi umano payagan ng pangasiwaan ng ospital dahil malaki ang bill na kailangan munang mabayaran.
Pahayag ni Kagawad Macatangay, ang pagkaalam niya’y may sadayang batas na nagtatadhanang hindi pwedeng pigilan ang paglabas ng isang pasyente at kung malaki umano ang bayarin maaari umanong mag-iwan ng promissory note.
Kaugnay nito nais ng konsehal na maimbitahan ang pamunuan ng nasabing ospital upang masagot at mabigyang-linaw ang nasa-bing usapin.
Pahayag naman ni Kaga-wad Sergie Atienza, kaila-ngang maghanda ng mga kaukulang dokumento na susuporta sa reklamo laban sa nasabing ospital. Aniya pa, nangyari na ito dati kung saan nagtatanong ng detalye ang inimbitahang mga panauhin.| #BALIKAS_News