24.5 C
Batangas

Babaeng nagsiksik ng shabu sa box ng chickenjoy; kalaboso

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City – KALABOSO naman ang inabot ng isang babae at ngayon ay kasama na ng kaniyang live-in partner sa kulungan matapos mahuling nagpupuslit ng iligal na droga na itinago pa sa pagkaing dineliber niya sa kaniyang kalaguyo, bandang alas-sais y media ng gabi noong Martes, Hulyo 10.

Sa ulat ni PSupt. Sancho Celedio, hepe ng Batangas City Police Station, kay acting provincial director PSSUpt. Edwin Quilates, nakatanggap umano ng impormasyon si SPO1 Isagani Hernandez Lara, Duty Desk Officer/Jailer sa Base Police Locked-Up Cell sa Kampo Miguel Malvar ukol sa umano’y pagpupuslit ng droga ng isang bibisita sa nakakulong na live-in partner.

Dahil dito, kaagad na ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya sa lunsod na kaagad namang nagpadala ng mga imbestigador sa kampo. Pagdating sa kampo, saktong dumating din ang ang suspek na si Jamaica Justine Lira, 26 anyos, tambay at residente ng Barangay Sampaga, Lunsod Batangas. Kaagad siyang isinailalim sa mandatory inspection sa kampo at dito nga nadiskubre ang isang sachet ng hinihinalang shabu na isiniksik sa isang box ng Jollibee chicken joy na nagresulta sa agarang pagkakaaresto ng suspek.

Pinapurihan naman ni PSSupt. Quilates ang mga tauhan ng base police sa aniya’y matapat na pagseserbisyo at pagtupad sa responsibilidad na mapanatili ang kaayusan at seguridad sa kampo at ang masinsinang pag-inspeksyon sa mga bisita upang mapigilan ang pagpasok ng mga iligal na gawain at mga kontrabando.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

By Elyssa Lopez, Philippine Center for Investigative Journalism Liquefied natural gas may be a new industry in the local energy sector, but old names are behind the companies bringing the technology to Philippine shores.  Based on proposals submitted to the Department...
Compensation claims as a result of the sunken MT Princess Empress’s massive oil spill in Tablas Strait could surpass those filed in the aftermath of the 2006 sinking of the MT Solar in Guimaras Strait, Quezon City Rep. Marvin...
Four SM Executives led the charge among 100 notable Certified Public Accountants (CPAs) in the country as they were conferred the Centenary Awards of Excellence for their outstanding contributions in the advancement of the accountancy profession. The Centenary Awards of...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -