24 C
Batangas

Benepisyo at pribilehiyo ng mga may HIV/AIDS, idinulog sa SP

Must read

- Advertisement -

Mekanismo para kontrolin ang naturang sakit, ikinakasa na

By JOENALD MEDINA RAYOS

“MAHIRAP ang kalagayan ng mga maysakit, ngunit higit na mahirap ang katatayuan nila sa lipunan kung walang  makauunawa sa kanilang kalalagayan, kaya kailangan silang bigyan ng pansin at balangkasin ang isang mekanismo para kontrolin ang HIV/AIDS.”

Ito ang pambungad na pahayag ni Acting Vice Governor, Senior Board Member Ma. Claudette U. Ambida, kaugnay ng kaniyang panukalang ordinansa para sa mga indibidwal na apektado ng HIV/AIDS, at pagkakasa ng mga mekanismo para mapigilan ang paglaganap ng sakit, na ngayon ay nakahain na sa Sangguniang Panlalawigan.

Anang lokal na mambabatas, ang HIV/AIDS ay isang laganap at nakamamatay na sakit na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang natutukoy na direktang gamot, saan mang panig ng mundo.

Dagdag pa niya, sa kabila ng mga negatibong pananaw ukol sa pagkakaroon ng sakit na ito, ang Pilipinas pa rin ang itinuturing na bansang may pinakamabilis na pagdami ng kaso ng HIV/AIDS; at sa buong bansa ay pumapangalawa pa rin ang CALABARZON Region, kasunod ng Kalakhang Maynila,
sa dami ng naitatalang kaso nito.

Dahil dito, napapanahon na rin aniya na ipadama ng pamahalaan na maging ang mga indibidwal na nagtataglay ng ganitong sakit ay maaaring magbenepisyo sa mga programa ng pamahalaan, at mabigyan sila ng kaukulang atensyon at ayuda.

Bukod sa mga panukalang pagbibigay ng mga benepisyo gaya ng ayudang medikal, ipinanukala rin ang pagbuo ng Batangas Provincial HIV/AIDS Council na siyang magiging pangunahing konseho na magbabalangkas ng mga polisiya, mekanismo at iba pang programa para sa mas mataas na antas ng kampaya sa pagkontrol sa paglaganap ng HIV/AIDS.

Bukod sa mga paglalatag ng mga programang bubuin para mapalakas pa ang kampanyang ito, tututukan din ang maayos na pagpapatupad ng Republic Act No. 11166 o kilala bilang Philippine Aids Prevention and Control Act of 1998.

Kasama ni Ambida na nagsusulong ng panukalang ordinansang ito si 2nd District Board Member Arlina Bantugon-Magboo, ang nag-iisang doktor sa Sangguniang Panlalawigan at tagapangulo ng Committee on Health and Sanitation.

Ayon kay Magboo, napapanahon na para bigyang-diin ang mas mataas na antas ng kampanya kontra sa HIV/AIDS. Bukod aniya sa hindi ito ordinaryong sakit gaya ng ubo at sipon, nakaaalarma na ang mas mabilis na kinakapitan nito ngayon ay ang mga kabataan, at mga sexually-active individuals.

Pormal nang dininig sa joint hearing ng Committees on Health and Sanitation, and Laws, Rules and Ordinances ang mga naturang panukalang ordinansa, nitong Martes ng umaga.|-BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

By Eunice Jean C. Patron DILIMAN, Quezon City -- INSTITUTIONS around the globe are working toward creating scientific innovations to address the challenges faced by humanity. Likewise, Filipino scientists are striving to find solutions to the Philippines' concerns. The University of...
GET ready to welcome a year of cunning, wisdom, and good fortune! As the Lunar New Year approaches, anticipation builds for the vibrant celebrations that usher in a fresh start. And this 2025, as we embrace the Year of...
"It happened when I was in high school. Mama got sick. Just like that, she was gone," actor and BDO brand ambassador Alden Richards sadly recalled. "My world suddenly stopped. Our savings were quickly depleted. I had to quit school to help...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -