27.2 C
Batangas

Carpooling system at energy saving practices, ipinatutupad na ng Tanauan LGU

Must read

- Advertisement -

By MARIA TERESA SILVA-BUÑO, Contributing Writer

TANAUAN City – ISANG bagong sistema na lulutas sa tumataas na gastos sa gasolina at krudo ng mga service vehicles sa pamahalaang lunsod ng Tanauan at energy-conservation practices ang agarang ipinatupad ni City Mayor Atty. Jhoanna C. Corona-Villamor sa lunsod na ito.

Sa isinagawang regular flag-raising ceremonies noong Lunes, Hulyo 30, 2018, ipinahayag ni Mayor Villamor na magsisimula sa naturang linggo ang dry run ng carpooling system kung saan lahat ng red-plate vehicles na pagmamay-ari ng pamahalaang lunsod at nauna ng naitalaga sa iba’t ibang departamento ay iipunin sa isang dispatching area. Sa sistemang ito, magiging sentralisado na ang pangangasiwa sa pagpapagamit ng mga sasakyan ng cityhall.

“Sa kasalukuyan po, tayo ay nasa transition period pa rin. Kayo po ay may mararamdaman o makikitang ilang pagbabago pero asahan po ninyo na ito po ay para lamang sa mas ikabubuti ng ating pagbibigay-serbisyo para sa atin pong mga kababayan,” dagdag pa ng alkalde.

Bukod dito, hiniling din ng pununlunsod ang pakikiisa ng bawat kawani sa pagsasagawa ng mga kaparaanan ng pagtitipid sa kuryente at isa na nga rito ang hindi paggamit ng air-condition unit sa mga silid gaya ng pantry at stock room.

Hinikayat din ni Mayor Villamor ang bawat empleyado na ugaliing magbigay ng serbisyo nang nakangiti sa bawat kliyente at patuloy na isapuso ang nasasaad sa binibigkas na “Panunumpa ng Isang Lingkod Bayan.”|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Kamote on wheels

0
HAVE you ever been stuck in traffic—tired, frustrated—when, out of nowhere, a motorcycle cuts through dangerously close, jolting you awake? Chances are, you have...
IN the vibrant and chaotic terrain of politics, one wonders at the relentless allegiance many people show toward politicians with dubious credentials and moral...
Biologists from the University of the Philippines Diliman – College of Science, Institute of Biology (UPD-CS IB) call for further and more in-depth surveillance...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -