28.9 C
Batangas

Cash donations para sa Taal Volcano Eruption, umabot na ng P31.6-m

Must read

- Advertisement -

UMABOT na sa Php 31,559.134.05 ang kabuuang cash donations para sa Taal Volcano Eruption Relief and Rehabilitation Program na tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas hanggang noong Biyernes, Enero 31.

Sa nakuhang dokumento mula sa Provincial Treasurer’s Office, pinakamalaking cash donation ang galing sa Office of the President (Socio Civic) na nagkakahala ng P10-milyon, na sinundan naman ng P4-milyon mula kay Manila City mayor Isko Moreno (kasaa na ang P2-milyon mula sa ADP Corp. na pinadaan din sa alkalde).

Nagbigay din ng P2-milyon ang City Government of San Juan, Metro Manila; tig-P1-milyon ang mga Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, at Tarlac, at ang City Government ng Davao. Kabuuang P2.7-milyon naman ang mula sa mga local government units (LGUs) ng Lalawigan ng Pampanga.

Ilang araw matapos pumutok ang bulkan at magsimulang bumuhos ang mga donasyon, nagsimula na ring bumuhos sa social media ang mga agam-agam at maging mga bintang ukol sa pagtanggap at paggastos ng mga nasabing donasyon.

Lalo ring pinalala ng sitwasyon ng mga akusasyon ukol sa umano’y hindi patas na pagtrato ng mga pamahalaang panlalawigan sa mga bayan at lungsod ukol sa distribusyon ng donasyon o maging ang pag-uulat nito sa publiko. Kabilang na rito ang mga posts ukol sa umano’y dapat ipamudmod kaagad ang mga cash donations, sa kabila ng umiiral na sitwasyong nasa ilalim pa rin ng Alert Level 3 ang bulkang Taal.

Dahil dito ay pumalag si Batangas Governor Hermilando I. Mandanas sa kaniyang mga kritiko at sinabing ipababatid naman sa publiko ang mga pananalaping ito at gagawin ang pag-uulat sa tamang panahon.

Tinawag din niyang mga angalist ang umano’y mga kritiko na angal ng angal na hindi nalalaman o ayaw malaman ang sistemang ipinatutupad ukol sa relief and rehabilitation process ng probinsya.

“Ang mga ito naman ay hindi na nga nakakatulong ay nakakaperwisyo pa at nagkakalat ng fake news,” pahayag ng gobernador.

Mula sa kabuuang P31.6-milyong cash donations, kalahating milyong piso pa lamang ang nababawas dito ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) noong Enero 27. Wala namang nakalakip na ulat ng PSWDO o hindi malinaw sa ulat ng PTO kung saan partikular na ginamit o gagamitin ang nasabing paunang kalahating milyon na Cash Advance ng PSWDO.| – Joenald Medina Rayos

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -