31.1 C
Batangas

Commercial fishing vessel para sa Recto Bank survivors, ipinagkaloob ng Chinese company

Must read

- Advertisement -

ISA sa mga naging saksi si Batangas Governor DoDo Mandanas nang ipagkaloob ng Jucheng Capital Group ng Shanghai, China ang Certificate of Ownership ng isang commercial fishing vessel sa Recto Bank Survivors Fishery Association sa tanggapan ng Philippine Ports Authority sa Batangas International Port, Lungsod ng Batangas, Setyembre 22.

Tinanggap ni F/B Gem Ver 1 Captain Junel Insigne ang sertipiko sa isang turn-over ceremony na dinaluhan ng mga opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – MIMAROPA; mga kinatawan ng Lokal na Pamahalaan ng San Jose, Oriental Mindoro; mga opisyal ng Shanghai Jucheng Capital Group, sa pangunguna ng Founder and Chairperson na si Xue Chengbiao; Philippine Special Envoy for Public Diplomacy to China Ramon Tulfo; at Department of Energy Secretary Alfonso Cusi.

Ang nasabing fishing vessel ay inaasahang maga-gamit sa pamamalakaya at muling pagbabalik sa pangi-ngisda ng mga survivors ng insidente noong Hunyo 2019 na naganap sa Recto Bank, Palawan, kung saan nawasak ang banka ng mga mangi-ngisda mula Mindoro matapos mabangga ng isang Chinese boat.|Bryan Mangilin

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -