25.9 C
Batangas

Di paghahain ng suspension ni Sabili, kinuwestyon ni Lopez

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

KAPITOLYO, Batangas – KINUWESTIYON ni Bokal Lydio Lopez ng Lipa City Lone District sa sesyon ng Sangguniang Panglalawigan ang umano’y hindi pag-aksyon ng Tanggapan ng Gobernador at ng DILG-Batangas sa Memorandum ng Department of Interior and Local Government kaugnay ng Desisyon ng Office of the Ombudsman na nagsususpinde kay Lipa City Mayor Meynardo A. Sabili.

Narito ang bahagi ng Privilege Speech ni Lopez:

“Ako ho’y maghawak dine na isang papeles na galing hong Ombudsman na ang naghabla ho, Mr. Chairman, ay si Teresita T. Pesa, ang inihabla ho n’ya, ang habla ho n’ya ay Best Interest of the Service, Grave Abuse of Authority, Grave Misconduct, and Oppression. Ang inihabla po ay ang ating, ang Kagalang-galang pong ah si Menandro (sic) A. Sabili, city mayor po ng Lungsod ng Lipa, at ang.. si Atty. Leo Latido, city administrator ho ng Lungsod ng Lipa.

“Dine ho, nabasa ko ho, are hong galing ho sa Office of the Ombudsman na nagdesisyon ho ang Ombud, Ombuds, Ombudsman ho, na sinususpinde ho ng isang taon ang ating, aming kagalang-galang na mayor, Mayor Sabili, at si Atty. Leo Latido ng Lungsod ng Lipa. At natanggap ko din ho ang sulat ho galing hong Department of Interior and Local Government Code (sic) sa memorandum of, ah, naka-address ho sa atin hong kagalang-galang na gobernador. Ang subject ho, “Implement (sic) of the Decision dated 11 December 2017 of the Office of the Ombudsman in OMB-L-A-16-0016 entitled: “Teresita Pesa vs. Meynardo Sabili (sic) of the city, City of Lipa, administral (sic), both of the city (sic)..”

“Ang atin hong ah… kaya ho ako tumayo, Mr. Chairman, ay ito ho’y dumating ho sa atin hong gobernador at pinadalhan ho nung alas kwatro y media nung Biyernes ay hanggang ngayon ho ay hindi ho ipinaiimplemento ito hong memorandum na ito na galling DILG na ang nakapirma ho ay regional Director, Manuel Goste (sic).. Gotis, at ito lamang po, ako ho ay 27 taon na ho dito sa pulitika, alam nyo ho’y pag may dumating ho sa aking memorandum o ulat ho na galling hong mga ibang departamento ay akin ho agad tinutugunan. Bakit ho ganito, Mr. Chairman, na may Decision na ho ang Ombudsman na labing isang taon na suspende ang kagalang-galang na mayor, na Mayor Sabili, ng Lungsod ng Lipa ay bakit ho hindi inimplement? Kaya ho, Mr. Chairman, sa atin hong mga kasama, ay hinihiling ko ho sa kalupungang ito na ipatawag ho an gating kagalang-galang na director, Adelma Mauleon, na magpaliwanag ho kung bakit ho hindi pinaiimplement itong mga bagay hong ito. Maraming salahat ho, Mr. Chairman.”

Hiniling pa ni Lopez na maipatawag sa naturang sesyon si Direktor Mauleon at ang kinatawan ng Tanggapan ng Gobernador upang humingi ng kalinawan sa hindi pakapagsilbi ng desisyon ng Ombudsman. Ngunit dahil ang privilege speech ni Lopez ay wala sa kalendaryo ng sadyang tatalakayin sa sesyon at wala nang nalalabing paksa sa Order of Business, isinara na rin ang sesyon.

Bago nagsimula ang sesyon, nagsalita muna si Bokala Rowena Sombrano-Africa sa harap ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan makatapos ang flag raising ceremony. Binanggit ng bokala ang hindi pa pagpapatupad ng suspension kay Sabili, bagay na ipinagkibit-balikat lamang ng ilang nakapansin. Anila’y hindi na dapat nagsalita ang bokala hinggil sa usapin sapagkat ang kaniyang asawa na Vice Mayor Eric Africa ang beneficial successor in office sakali ngang masuspinde ang alkalde.

Samantala sa Lunsod ng Lipa, isang munting rally naman sa loob ng city hall compound nito ring Lunes ang ilang tagasuporta ni Vice Mayor Africa.

Nag-ugat ang usaping ito sa pakapaglipat ni Mayor Sabili kay Gng. Pesa na noon ay hepe ng City Social Welfare and Development Office at ginawang hepe ng City Agriculturist Office upang bigyang daan ang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa tanggapan ni Pesa noong panahon ni dating Mayor Oscar Gozos. Hindi pinasukan ni Pesa ang posisyon sa CAO kaya’t inirekomenda ng City Personnel Discipline Board Section Board na tanggalin sa serbisyo si Pesa na inaprubahan naman ni Sabili. Unang naidulog ang reklamo sa Civil Service Commission (CSC) at kinatigan ng CSC ang reklamo. Di naglaon at napablik din sa CSWDO si Pesa. Katagalan ay sumulat din si Pesa sa CSC at nilinis ang pangalan ng alkalde.

Hanggang sa umabot na nga sa Ombudsman ang usapin noong Setyembre 10, 2015. Napabalik sa posisyon bilang hepe ng CSWDO si Pesa noong Nobyembre 18, 2015. Di rin kalaunan, naghain pa ng Appeal Letter si Pesa sa Ombdusman noong Pebreo 3, 2017 upang bawiin ang kaniyang reklamo sapagkat naniniwala umano siya na ang mga naunang desisyon ay ginawa ng may good faith at walang malisyosong intension.

Hindi naman pinansin ni Graft Investigation and Prosecution Officer I Raphael Lorenzo A. Pangalangan ang Appeal Letter ni Pesa at sa halip ay ibinaba ang Desisyon noong Disyembre 11, 2017 ng nagsasabing sina Sabili at Latido ay liable sa kasong Oppression and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, ngunit pinawalang-sala naman sa kasong Grave Misconduct. Pinawalang-sala rin ang iba pang inireklamong kasapi ng City Personnel Discipline Board na sina Atty. Dominador C. Mauhay III, dating City Legal Officer; City Personnel Officer Ronaldo V. De Castro, City TreasurerDoroteo P. Rosales, City Civil Registrar Rolando C. Sarmiento, Licensing Officer II Jeffrey A. Olan, at Youth Development Officer III Lorena Magaling.

Bago magretiro si Ombudsman Conchita Carpio Morales, nilagdaan niya ang pag-apruba sa Desisyon noong Hunyo 27, 2018.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -