“MAGING MAHINAHON tayo at maging totoo sa kung ano ang tunay na estado ng umuusad na protesta, at huwag nating linlangin o gamitin ang taumbayan.”
Ito ang panawagan ni dating Lipa City mayoralty candidate Bernadette P. Sabili sa kampo ni Lipa City mayor Eric B. Africa kasunod ng mga kumakalat na mga balita at palitan ng mga patutsada sa social media at ang mga signature brigade sa Lungsod ng Lipa.
“Pareho lamang kami na nakakatanggap na communication and different Orders mula sa Comelec, ako bilang nagprotesta, at siya bilang protestee; imposible naman na magkaiba ang magiging Order ng para sa kanya at para sa akin,” dagdag pa ni Sabili.
Matapos makalap ang mga kinakailangang ebidensya, naghain ng kaniyang electoral protest si Sabili laban kay Africa na idinek-larang mayor ng Lipa City.
Agosto 30, 2019, inilabas ng Comelec ang Unanimous ORDER na nagsasabing may tamang FORM and SUBS-TANCE ang petisyon ni Sabili alinsunod sa hinihingi ng Comelec Resolution No. 8804 (Comelec Rules on Procedure on Disputes in an Automated Election System), dahilan para pormal na umusad ang protesta.
Ayon pa sa nasabing Order, “The recount procee-dings will determine if the claim of the protestant that she obtained the plurality of votes is true. For the protestee, the recount proceedings could cement his autho-rity as the duly elected Mayor of Lipa City, as the clouds of doubt on his legitimacy to the position would be cleared.”
Matatandaang idineklara ng City Board of Canvassers bilang alkalde si Africa matapos makakuha ng kabuuang boto na 78,109 kumpara kay Sabili na nakakuha ng 76,511 boto. Sa tala ng Comelec, lumamang si Africa ng 1,598 boto.
Ang Lungsod ng Lipa ay may kabuuang 200,706 re-histradong botante, at 162,042 nito ay nakaboto noong Mayo 13. Batay sa Certificate of Canvass, ang naitalang lamang ni Africa kay Sabili ay katumbas ng 0.79% ng bilang ng rehistradong botante at 0.98% naman ng mga botanteng nakaboto noong nagdaang eleksyon.
Bawat kampo ay nagkasundo sa bilang at kung aling mga presinto ang magkaka-roon ng recount, gayundin ang isasagawang technical examination ng mga Voters Registration Record (VRR) at mga Election Day Computerized Voters List (EDCVL). Oktubre 15, 2020 sinimulan ang technical examination ng mga nasabing dokumento at pagbilang sa 49 pilot precincts.
Huling linggo ng Disyembre, 2020, ipinadala ng Comelec sa magkabilang kampo ang kani-kanilang kopya ng resulta ng nasabing technical examination of questioned precincts.
Kasunod nito, kumalat sa mga social media groups ang mga bali-balitang natapos na ang protesta. May nagsabi ng pabor sa Africa at mayroon din sa Sabili.
Kaalinsabay nito, nagsimula naming kumilos sa mga barangay ang pagpapapirma sa mga rehistradong botante na diumano ay para sa pag-upgrade ng voters list ng Comelec, bagay na itinanggi naman ng Comelec na wala silang ganoong programa sa kasalukuyan. May mga nagpapapirma rin na ang itinuturong ugat umano at ang kampo ng Sabili na mariin naming itinanggi ni Gng. Sabili.
“Bakit naman ako magpapapirma, at para saan? Malinaw naman ang ipinadala ng Comelec na resulta ng recount at technical examination of documents. Walang dahilan para kami pa ang magpakilos ng pagpapa-pirma na iyan,” pagdidiin pa ni Sabili.
Aniya pa, “walang pinakamahalagang gawin ngayon kundi ang tayo’y magdasal na matapos na itong protesta na ito, at maging mahinahon tayo sa paghihintay ng resulta at tanggapin ito ng maluwag sa ating kalooban.”| – BNN / Joenald Medina Rayos