24.8 C
Batangas

Intervention house, nakikitang solusyon sa pagdami ng rugby boys

Must read

- Advertisement -

By JERSON J. SANCHEZ

SA harap ng maraming reklamo sa mga rugby boys na naglipana sa kalsada at nangha-harass sa mga tao, nagpatawag ng pagdinig ang Committee on Social Welfare ng Sangguniang Panlunsod noong Hulyo 19 upang solusyunan ang problemang ito na nagdudulot ng takot at panganib sa publiko.

Dumalo sa pagdinig na pinamumunuan ni Councilor Nelson Chavez sina City Social Welfare and Development Officer Mila Espanola, hepe ng Defense and Security Services (DSS) na si Prudencio Cepillo, mga kinatawan ng Batangas City PNP at ilang mga punumbarangay sa Poblacion.

Ayon kay Konsehal Nestor “Boy” Dimacuha, ang mga opisyal ng barangay ang frontliners sa pagsugpo ng krimen sa kanilang nasasakupan. Maaari nilang gamitin ang kanilang police power subalit may limitasyon. Ito  ay nakasaad sa Local Government Code at may basbas ng ruling ng Supreme Court.

“Karaniwan kasi sa mga opisyales ng barangay na nakakausap namin, natatakot kumilos at mag-rescue sa mga batang menor de edad na nakikitang sumisinghot ng rugby. Kasi ang mga batang ito ay nagtatago sa RA 9344 o ang tinatawag na Pangilinan Law, na ang batang 15 taong gulang pababa ay exempted sa anumang criminal responsibilities,” sabi ni Dimacuha.

Bilang isang solusyon, binabalangkas ni Councilor Sergie Atienza ang isang ordinansa na nagpapataw ng kaukulang parusa sa mga magulang ng mga batang mahuhuling gumagamit ng rugby o solvent. Aniya, ito ay nalaman niya sa isang syudad sa Maynila at nais niyang gawing basehan upang ipatupad dito sa lunsod.

“Although ang pagmumulta ng mga magulang ay hindi makasisiguro na mas magiging responsable silang parents, may malaking ipinagbago ang syudad na nagpatupad nito. Mula sa 250 kaso na may kaugnayan sa street children, bumaba ito sa 73 noong 2015. At ito ay dokumentado. Kaya pinag-iisipan namin na gawing basehan ang ordinansa nila at bakasakaling makatulong ito sa ating lunsod,” sabi ni Atienza.

Ayon naman kay Espanola, napakahirap at kumplikado ng rescue operation sa mga menor de edad na sangkot sa mga iligal na gawain sapagkat napakaliit ng immunity sa demanda ng mga rescuers.

“Maraming kaso na gusto lamang makatulong ng isang opisyal ng barangay, pero dahil may nakitang technicalities sa rescue operation, sila pa ang naidemanda ng Anti-Violence Against Women and Children.”

“Naiintindihan ko po ang concern ng ating mga kababayan, subalit kami po sa CSWD ay ginagawa namin ang aming tungkulin. Araw-araw po kaming may operation. Subalit ang nakalagay po sa batas, hindi pwedeng ikulong at kasuhan ang mga menor de edad. Kaya ang magagawa lamang namin, pakainin, paliguan at agad na ibabalik sa kanilang tahanan,” binigyang-diin ni Española.

Idinagdag pa niya na bagamat nakatali ang kanilang tanggapan sa mga probisyon ng RA 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, hindi sila tumitigil sa pagbibigay ng intervention program sa mga batang ito at maging ang kanilang mga magulang. Nariyan ang counseling at seminar sa responsible  parenthood.

“Forty percent sa ating mga nare-rescue ay hindi taal na taga-Batangas City. Kaya’t ang rekomendasyon ko, pabalikin sa kanilang mga probinsiya at lugar ang mga ito, at ituloy ang intervention program sa mga mare-rescue na tagalunsod,” sabi ni Espanola.

“Kung long term na solusyon naman, I recommend na magpagawa ng intervention house o Boys Town para dito ilagak at dalhin ang mga batang naliligaw ng landas. Medyo magastos at kumplikado ang proseso, subalit kung seryoso talaga tayo na mawala ang mga rugby boys, ito ang nakikita kong solusyon,”  dagdag  pa niya.

Agad  naman  itong sinang-ayunan ng mga konsehales at iminungkahi na magkaroon ng pansamantalang lugar ang mga batang in conflict with the law sa ginagawang rehabilitation center sa Barangay Cumba.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

TIWI, Albay – AP Renewables Inc. (APRI) and Power Sector Asset and Liabilities Management Corporation (PSALM) conducted an Information, Education, and Communication (IEC) campaign relating to the land lease agreement (LLA) encompassing the Tiwi Geothermal Facility in Albay last December 2,...
ILANG araw na lang ang nalalabi ay matatanggap na ng mga kwalipikadong empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kanilang bonus! Inihayag ni Governor Hermilando I. Mandanas na pinoproseso na ang paghahanda ng pag-release ng naturang bonus sa ilalim ng...
Land subsidence, or the gradual sinking of the ground, threatens not only Metro Manila but also other cities. Excessive groundwater extraction, rapid urbanization, tectonic motion, and the natural compaction of sediments contribute to land subsidence worldwide. This issue is worsened...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -