By JOENALD MEDINA RAYOS
BATANGAS City โ MAAARING makabalik na sa klase ang mga mag-aaral sa kolehiyo at mga unibersidad sa Lalawigan ng Batangas simula sa Huwebes, Enero 23. Itoโy kung magtutuluy-tuloy na ang umaayos na sitwasyon kaugnay ng pagputok ng bulkang Taal.
Sa pulong balitaan sa Provincial Disaster and Risk Reduction Management Council (PDRRMC) Command Center, Martes ng hapon, Enero 21, sinabi ni Gobernador Hermilando I. Mandanas na ikinukonsidera na nilang maibalik ang klase ng mga kolehiyo o iyong mga nasa ilalim ng superbisyon ng Commission on Higher Education (CHED).
โMaaaring magbigay tayo ng anunsyo bukas, Miyerkules, na kung tuluyang magiging maganda na ang sitwasyon, ay ibabalik na ang klase sa sunod na araw, Huwebes, ng mga nasa ilalim ng superbisyon ng CHED,โ paglilinaw ng gobernador.
Ngunit nilinaw rin ng gobernador na saklaw lamang nito ang mga nasa labas ng locked-down areas, samantalang ang mga kolehiyo sa Taal, Lemery, Agoncillo, San Nicolas, Talisay at Laurel ay mananatiling wala pa ring pasok hanggaโt naka-locked-down pa rin ang mga bayang ito, alinsunod sa utos ng DILG.|-BALIKAS News Network