29.5 C
Batangas

Mag-amang Sen. Nancy at dating VP Jojo Binay, bumisita sa Batangas

Must read

- Advertisement -

SA pagbubukas ng kampanyahan sa mga pambansang posisyon, magkasamang bumisita sa Lalawigan ng Batangas noong Lunes, Pebrero 8, sina Senador Nancy Binay at ang kaniyang amang si dating Bise Presidente Jejomar Binay, na ngayon ay tumatakbo rin sa pagkasenador sa May 9, 2022 elections.

Unang binisita ng senadora ang isinasagawang tuluy-tuloy na pagbabakuna sa DREAM Zone sa Capitol Compound at inalam ang mga pangangailangan sa bakuna at kinumusta ang mga health frontliners ditto.

Matatandaang nabigyan ang Lalawigan ng Batangas ng 13,000 doses ng AstraZeneca vaccines mula sa Makati City Government, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Abby Binay, noong ika-26 ng Enero. Naging kinatawan ni Gov. DoDo Mandanas si Vice Governor Mark Leviste sa idinaos na turn-over ceremony, kung saan ang bise gobernador ang tumanggap ng mga naturang bakuna at naghatid sa Provincial Health Office para naman sa maaayos na distribusyon sa mga Rural Health Units ng probinsya.

Binisita rin ng senadora at ng kaniyang amang si dating Vice President at Senatorial Candidate Jojo Binay, ang bagong tayong gusali ng Panlalawigang Liga ng mga Barangay (Association of Barangay Councils –Batangas), na matatagpuan din sa loob ng Capitol Compound.

Mainit silang sinalubong ni Board Member Wilfredo Maliksi, na tumatayong pangulo ng Batangas at Region IV-A Liga ng mga Barangay (LMB), at ilang mga municipal presidents ng ABC sa Batangas; at lubos ang pasasalamat ng grupo sa pagbibigay ng kabahaging pondo para maisakatuparan ang pagpapatayo ng gusali.

Bukod sa naturang ABC Building, naglaan din ng pondo ang tanggapan ni Senadora Nancy sa pagpapatayo ng Batangas City Evacuation Center sa Barangay San Isidro at ng Bauan Evacuation Center.

Samantala, nakipagkita rin ang mag-amang Binay sa liderato ng ikalwang Distrito ng Batangas. Kasama ni dating Deputy Speaker at 2nd District Congressman Raneo E. Abu ang kaniyang anak na si Dr. Ma. Reina Dolor Abu na ngayon ay kumakandidato bilang kongresista ng distrito. Naroon din sina Board Members Arlina Bantugon-Magboo at Wilson Rivera, Bauan Mayor Rhyan Dolor, San Pascual Mayor Antonio Dimayuga, San Luis Mayor Danilo Medina at mga tagasuporta.

Minarapat ni dating VP Binay na simulan ang kaniyang kampanya sa Lalawigan ng Batangas kung saan naman nagmula ang kaniyang pamilya.|BNN / Joenald Medina Rayos at Mark Jonathan M. Macaraig

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Social media has been awash with calls for silence. "Do not speak if you are not fully informed," they say. "Research first before you comment," they insist. At first glance, staying silent seems wise, but beneath it lurks dangerous...
From Apple Original Films and the filmmakers from "Top Gun: Maverick" comes the high-octane, action-packed feature film F1®, starring Brad Pitt and directed by Joseph Kosinski. The film is produced by Jerry Bruckheimer, Kosinski, famed Formula 1® driver Lewis...
Scientists from the University of the Philippines – Diliman College of Science (UPD-CS) have pioneered a simpler, faster, cheaper, and more eco-friendly method to fabricate gold nanocorals by using natural, low-cost acids in water at room temperature. Gold nanostructures have...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -