24.6 C
Batangas

‘Mail-voting, makagagaan sa mga botanteng dehado’ – Marcos

Must read

- Advertisement -

IGINIIT ni Senador Imee Marcos na libu-libong mga botanteng dehado sa kalusugan at sa kanilang kinaroroonan ang hindi makakaboto sa 2022 maliban na lang kung maikakasa na ang isang maunawaing sistema ng botohan para sa kanila.

“Huwag naman natin apihin ang mga senior citizen, mga buntis, persons with disability (PWDs) at indigenous peoples (IPs) na dapat mabigyan ng opsyon para ihulog sa koreo ang kanilang boto,” giit ni Marcos sabay sa paghahain ng Senate Bill 1870, o ang Voting By Mail Act.

“Dehado ang kanilang karapatang bumoto dahil sa lagay ng kanilang kalusugan at layo ng kanilang lugar sa mga polling precinct, lalo na kung patuloy pa rin ang pandemya,” giit ni Marcos. “Hindi natin kayang magbulagbulagan lang sa hirap na kanilang dinaranas tuwing eleksyon,” dagdag pa ni Marcos.

Tinukoy ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms, na ang pagboto sa pamamagitan ng postal system ay nasubukan na ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa mga nagdaang mga eleksyon.

“Sa totoo lang, ang mail-in voting ay hindi na bagong bagay sa ating batas dahil dati na itong nagawa ng ating mga seafarers at OFW sa Italy at sa ibang mga bansa,” ani Marcos.

“Magsasagawa tayo ng mga pilot test para masiguro ang sistema para sa ating lokal na eleksyon,” pagtitiyak ni Marcos. Sa pagdinig ng Senado kamakailan lang, inihayag ng Commission on Elections na suportado nito ang mail-in voting, habang nagpahayag naman ng kumpiyansa ang Philippine Postal System sa paghawak nito.

“Hindi dapat maging hadlang ang logistical challenges sa mail-in voting para mas mapasulong ang demokratikong proseso ng ating pagboto,” giit ni Marcos.

“Huwag tayong maparalisa ng takot na tulad noong ipinanukala ang computerized elections para sa 2010,” dagdag ni Marcos, sabay giit na ang napaka-teknikal na prosesong ginamit ng Smartmatic na electronic voting system ay naiintindihan lamang ng mga IT expert at hanggang ngayo’y palaisipan sa publiko.|-BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
MANILA, Philippines — THE U.S. Embassy in the Philippines will open a new Visa Application Center (VAC), launch an updated visa appointment system, and expand call center services to U.S. citizens in the Philippines starting on September 28. The new...
TANAUAN City -- TUMINDIG at nanindigan ang mayoriya ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan City na harangin ang panukalang Php 615.7-milyong Supplemental Budget na anila’y hindi tamang paggastos ng pondo ng bayan. Sa regular na sesyon ng Sanggunian nitong Martes, Agosto...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -