26.1 C
Batangas

Mas malakas na kampanya kontra droga, prayoridad ng bagong hepe ng pulis

Must read

- Advertisement -

By RONNA ENDAYA CONTRERAS

BATANGAS City — SA kanyang pag-upo bilang bagong hepe ng pulisya sa Lunsod Batangas, noong April 16, sinabi ni Police Superintendent Sancho Obligado Celedio na higit pa niyang palalakasin ang kampanya laban sa iligal na droga.

“The war against illegal drugs remains our top priority. Whatever my predecessor has done in the war against drugs, I will continue it and just work on areas for improvement,” sabi ni Celedio.

Ipinanganak siya sa Quezon City bagaman ang kanyang mga magulang naman ay Cebuano mula sa Ormoc at Leyte, nagtapos si Celedrio, 48, sa Philippine National Police Academy (PNPA) noong 1999 at humigit kumulang 20 taon na sa serbisyo.

Labindalawang taon siya sa Camp Crame at napabilang din sa peace keeping force ng UN sa Africa at East Timor.  Siya ay dating deputy provincial director for administration ni OIC Provincial Director Police Senior Superintendent Alden Delvo. Naglingkod din siya bilang hepe ng Calamba City Police Station sa loob ng kalahating taon at anim na buwan naman sa Lunsod Tagaytay.

Bagamat challenge aniya na makamit ang ideal police ratio to population na 1:500 sa lunsod kung saan ang kasalukuyang ratio ay 1:2,000, gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makatugon sa pangangailangan ng isang lumalagong lunsod.

Hinihikayat niya ang mga kabataan na pumasok sa kanilang larangan upang madagdagan ang pwersa ng kapulisan.

Ipagpapatuloy din aniya nila ang police visibility upang maramdaman ng mga tao na prayoridad ng law enforcers ang kanilang seguridad at kaligtasan. “This is the surest way to make certain that our citizens are safe,” sabi ni Celedio.

Ang pagpapatupad aniya ng peace and order ay concern ng bawat isa kung kayat hiniling niya ang kooperasyon ng mga mamamayan. Magpapatawag aniya siya ng pagpupulong sa mga barangay officials upang mahingi ang suporta ng mga ito.

Kaugnay naman ng kanilang paghahanda sa gaganaping SK at Brgy elections sa Mayo, magsasagawa sila ng covenant signing para sa mga incumbent punumbarangays at mga tatakbo sa eleksyon upang maipakita sa publiko na seryoso sila sa kanilang layuning magkaroon ng mapayapa at maayos na eleksyon.

“Ï feel blessed na dito ako na assigned sa Batangas City at nabigyan ng pagkakataon na makapaglingkod sa mga Batangueno .

“Marami akong mga nakausap na mga tao partikular yuong mga businessmen na blessed din tulad ko dahil dito sila nagtayo ng negosyo.” Isa aniya sa misyon ng kapulisan ay ang protektahan ang interes ng mga stakeholders at isa na rito ay ang pagkilos para sa seguridad ng mga business establishments.

Binanggit din niya ang malakas na suporta ng city government sa kapulisan. “Very encouraging and inspiring ang suportang ipinagkakaloob ni Mayor Beverley Rose Dimacuha, the city government is our strongest ally,“ dagdag pa niya. Nag-courtesy call siya kay Dimacuha noong April 17.

Si Celedio ang pumalit kay PSupt. Wildemar Tan Tiu na nasa Regional Police – HAU na ngayon.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

THE national government is ramping up by 35 percent to P2.7 billion the spending for public residential drug abuse treatment and rehabilitation centers (DATRCs), in a bid to address overcrowding and boost public access, Makati City Rep. Luis Campos...
ITINAAS na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa Catanduanes dahil sa binabantayang Tropical Depression #NikaPH , ayon sa PAGASA. Batay sa pagtaya ng PAGASA kaninang alas-11 ng umaga, Nobyembre 9, namataan ang sentro ng bagyo sa layong...
By U.S. Ambassador to the Philippines, MaryKay Carlson Good morning!  Many thanks to the Philippine National Security Council, the Philippine Coast Guard, and Pacific Forum for organizing this important event.  And thank you to Ambassador Romualdez for opening the discussion. ...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -