LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – DAHIL sa patuloy na pagpapamalas ng mahusay na serbisyo at implementasyon ng mga ibinalangkas na programa para sa kapa-kinabangan ng sambayanang Tanaueno, partikular sa mga kasapi ng ibaโt ibang kooperatiba sa lungsod, umani ng sunud-sunod na parangal sa taunang selebrasyon ng Cooperative Month para sa buwan ng Oktubre ang tanggapan ng City Cooperative and Livelihood Development (CCLD), sa pangunguna ni Ms. May Teresita Fidelino.
Isa sa pinakaprestihiyosong karangalang natanggap ng nasa-bing opisina ang Gawad Parangal 1st Placer para sa Best Performing LGU Cooperative Development Office (Component City Level) na nagmula sa Cooperative Development Authority (CDA). Ang para-ngal na ito ay isa sa mga โbanner programsโ ng naturang ahensya na kumikilala sa mga kooperatiba, LGU, โpartner organizationsโ at โcooperative leadersโ para sa kanilangโ best practicesโ at mahusay na pamamahala.
Bukod pa rito, itinanghal rin ang coop office ng lungsod bilang 2018 Regional Winner-Best Perfor ming LGU-CDO sa isinagawang โculminating activityโ ng Regional Coop Month Celebration noong Nobyembre 10.
Para naman sa RICH Coop Awards na bahagi ng Annual Coo-perative Month Celebration ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas na ginanapsa Provincial Sports Complex kamakailan, nag-uwi rin ang mga kooperatiba sa lungsod ng mga pagkilala at โcash awardsโ.
Itinanghal bilang Outstanding Local Cooperative Development Council ang kaukulang konseho ng lungsod at 2nd placenaman para sa Outstanding Cooperative (Micro/Small Category) ang Malaking Pulo Multi-Purpose Cooperative (MPMPC).
Tumanggap din ng Special Citation ang Dayapan Multi-Pur-pose Cooperative para sa Excellence in Information and Records Management (Provincial Level).
Bukod pa rito, kinilala rin si na City May Teresita Fidelino bilang Outstanding Cooperative Development Officer LGU (City Level) at Mr. Tiburcio Atienza ng MPMPC bilang 2nd place Outstanding Manager.
Dinumog naman ng mahigit 600 miyembro ng ibaโt ibang kooperatiba sa lungsod kabilang ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan sa Tanauan City at pamahalaang panlalawigan ng Batangas, ang isinagawang 12th Cooperative Month Celebration sa temang Partners for Building Resilient and Empowered Communities Towards a Better and Stronger Philippines na ginanap sa Pres. Jose P. Laurel Memorial Gymnasium (Gym1) noong Nobyembre 6, 2018.
Sa pamamagitan ng CCLDO, naisasagawa at naipapatupad ang ibaโt ibang programang makapagbibigay ng maayos na hanap-buhay at pagkakakitaan sa bawat mamamayang Tanaueรฑo.|Louise Ann C. Villajuan