26.9 C
Batangas

P6.8-m halaga ng shabu, kumpiskado; 2 patay, sa drug operation

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City – UMABOT sa tinatayang P6.8-milyong halaga ng humigit-kumulang isang kilong shabu ang narekober ng mga lagad ng batas samantalang patay naman ang dalawang hinihinalang tulak sa isang madugong engkwentro sa Barangay 20, lungsod na ito, Agosto 26.

Sa ulat ni PMaj Rodel S. Ban-O, hepe ng Provincial Intelligence Branch (PIB), kay PCol. Edwin A. Quilates, provincial director, ikinasa uamno ng pinagsaniba na pwersa ng BPIB-DEU, PDEA Regional Office 4A at ng Batangas City Police Station ang isang buy bust operation bandang alas-11:45 ng gabi sa naturang lugar.

Target ng operasyon ang dalawang tulak na suspek na nakilalang sina Melanio Matanguihan y Parjan alayas Suma, 44 anyos, residente ng Brgy. Parian, Calamba City, at Abdul Wahid Dilinogun y Baunto alyas Minso, 22-anyos, may-asawa, sari sari store owner at residente ng Islamic Center Metro Manila, na kapwa lulan ng isang itim na kotseng may plakang ZCV 306.

Matapos ang transaksyon, tinutukan ng baril ng isa sa mga suspek ang pulis na umaktong poseur buyer na nakaupo sa likurang upuan nang mapansinn ng suspek nap eke ang mga perang ibinayad ng buyer. Kaagad namang naipaling ng pulis ang baril malayo sa kaniya, dahilan para makatakas siya palabas ng kotse.

Dahil dito’y patuloy na pinaulanan ng putok ng mga suspek ang naturang pulis-buyer habang mabilis na tumatakas palayo. Di na nakalayo ang suspek nang makorner sila ng blocking team at bumangga sa isang puno. Nasundan pa ito ng palitan ng putok ng magkabilang panig na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang suspek, samantalang wala naming nasugatan sa mga operatiba.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang magkakataling 10 plastic container na naglalaman ng shabu na tinatayang may bigat na isang kilo, Php1.4 Million lilibuhin na pawang fake money, dalawang (2) Cal .45 pistola mula sa mga suspek, mga basyo ng ibat ibang pistol, at ang itim na Honda Jazz (ZCV 306).

“As what have been stressed by our President, in his administration, there will be no let-up in the campaign against illegal drugs, thus, this Office aggressively double or triple our efforts until all offenders have surrendered or put behind bars”, pahayag pa ni Quilates.|-BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BALAYAN, Batangas – AFTER undergoing monitored home isolation and receiving appropriate medical care, the first Mpox case recorded in CaLaBaRZon, a 12-year-old male from this town, was tagged as recovered and given clearance on September 13, 2024. The patient started...
In 1916, Albert Einstein theorized that two merging black holes create ripples in the spacetime fabric, similar to how a pebble creates ripples in a pond. These ripples, called gravitational waves, stretch and squeeze spacetime in amounts so minuscule...
Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -