27.1 C
Batangas

Pagbuhay ng riles ng tren hanggang Batangas, prayoridad ni Sen. Ejercito

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City – NANINIWALA si Senador JV Ejercito na higit sa anu pa man, tanging ang pagbuhay na muli sa railway system ng bansa, partikular sa Luzon, ang nakikita niyang pinakamabisang solusyon upang maibsan ang lumalalang suliranin sa trapiko, hindi lamang sa Kalakhang Maynila, kundi maging sa CALABARZON at Kabikulan.

Ayon sa mambabatas, mahalagang buhaying muli at ibalik ang operasyon ng railway system at malagyan ito ng mas magaganda at maayos na mga bagon sapagkat ito yung pinakamabilis na maghahatid ng mga pasahero at kalakal kumpara sa iba pang land-based transport system.

Aniya pa, kung maisasaayos muli ang dating riles sa Luzon, partikular ang mula Maynila patungong Laguna, at maibabalik ang serbisyo nito hanggang san Kabikulan, gayundin ang pag-sanga nito mula Laguna hanggang Batangas, ay tikak na malaking kaibsan sa matinding trapiko ang maiseserbisyo nito.

“Alam po natin na hindi na biro sa ngayon ang pagbuhay sa riles, at napakaraming pamilya o maging pamayanan man ang maaaring maapektuhan nito, ngunit kailangang kumilos ng pamahalaan para solusyunan ang trapiko,”pahayag pa ni Ejercito.

“Ngunit sa pagbuhay na ito sa riles, sisiguraduhin naman natin na maaaksyunna din ng pamahlaan ang lahat ng pamilya na maapektuhan ng proyekto,” dagdag pa ng senador.

Si Senador JV Ejercito, na kilala rin sa taguring Mr. Universal Health Care dahil sa kaniyang pag-akda sa mahalagang Universal Health Care Act ay tinatawag na rin ngayong The Good One. Kamakailan ay umasok na siya sa ika-10-14 senatorial winning circle para sa nalalapit na halalan.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -