27.3 C
Batangas

Passport On Wheels ng DFA, umarangkada sa Ibaan

Must read

- Advertisement -

By KHAREN E. TEJADA

SA kauna-unahang pagkakataon ay nagsagawa ng Mobile Passporting sa Ibaan na nilahukan ng halos 600 aplikante hindi lamang mula dito ngunit bukas din sa iba pang bayan. Ginanap ang pagpoproseso ng mga pasaporte sa St. James The Greater, Formation Center, Poblacion, Ibaan Batangas, Abril 3.

Sa kabuuang 614 na mga aplikante, 549 ang agad na nakapagproseso ng passport at maghihintay na lamang ng kumpirmasyon kung kailan nila ito matatanggap.

Nagbayad ang mga aplikante ng halagang Php 1,200 para sa pagpoproseso nito at Php 150 naman para sa shipping fee.

Naging maayos at mabilis naman ang ginawang sistema ng mga kawani ng Department of Foreign Affairs (DFA) – Office of the Consular Affairs na sina Ms. Maria Concepcion Cabarriban, Jaymie Magno, Dienzel Samaniego, Jevelynne Alina, Vermillon Soria, Roust Ann Mei Arallas, Maria Isabel Inton, Hannah Ingrid Menia, Eunice Tabitha Trinidad, Danica Carla Mae Torres, at Raphael Jonathan Tadeo na binati ang pagkakaroon ng disiplina ng mga taga-Ibaan.

Sa pangkalahatan umano ay naging maayos ang Mobile Passporting dito at hindi nagkaroon ng anumang malaking problema.

Pursigido naman si Mayor Danny Toreja na madadagdagan pa ang bilang ng mga aplikante na nais magkaroon o ma-renew ang kanilang passport kaya naman pinakiusapan niya ang mga taga-DFA na muling magsagawa ng mobile passporting dito sa bayan.

Inaasahan na sa darating na Hulyo ay uumpisahan muli ang pagbibigay ng detalye tungkol dito.

Ayon sa maraming aplikante, malaking tulong ito at napadali ang kanilang pagpapaayos ng pasaporte kaya hiling din nila na maulit ang ganitong programa.

Nagpasalamat din ang buong Ibaan LGU sa mga taga DFA na binigyan ng pagkakataong isagawa ang programa dito sa unang pagkakataon.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -