24 C
Batangas

Seminar-Workshop sa pagbabalangkas ng LPTRP, isinagawa

Must read

- Advertisement -

SA layuning magkaroon ng maayos na sistema sa transportasyon sa Lalawigan ng Batangas, ang tanggapan ng Provincial Planning and Development Office (PPDO), sa pamamagitan ng patuloy nitong pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, ay nagdaos ng isang araw na Seminar-Workshop para sa mas mabilis na pagbabalangkas sa Local Public Transport Route Plan (LPTRP) ng Batangas Province na ginanap sa PPDO Conference Room, Capitol Compound, Batangas City, Marso 20.

Ang usapin sa pagbabalangkas ng LPTRP ng lalawigan ay pinangunahan nina Mr. Eldon Dionisio, Senior Transport Development Officer ng Department of Transportation (DOTr) at Atty. Winnie Fred C. Ola, Attorney IV ng Local Transport Franchising and Regulatory Board (LTFRB) – Region IV.

Dinaluhan ito ng mga focal persons at miyembro ng LPTRP Formulation Team na nagmula pa sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Batangas. Nakiisa rin sa nasabing pagtitipon sina PPDO Chief Benjamin I. Bausas, Col. Chito Malapitan, Assistant Department Head ng Provincial Public Order and Safety Department at Governor Dodo Mandanas, LPTRP Team Chairperson, na nagbigay ng mensahe ukol sa kahalagahan ng isinasagawang planong pangtransportasyon.

Ang 1-Day Seminar-Workshop ay nakatuon sa pagkakaroon ng pangkalahatang-ideya sa kasalukuyang datos na isinumite ng mga Local Government Units (LGUs) at talakayin ang mga susunod na hakbang sa pagbuo o pagbalangkas ng naturang plano.

Noong ika-19 ng Hunyo 2017, naglabas ang DOTr ng Omnibus Franchising Guidelines (OFG) na naging batayan upang makagawa ang mga LGUs ng kanilang sariling LPTRP, bilang bahagi ng Public Utility Modernization Program at upang mapagbuti ang planning process o ang pagpaplano sa lokal na transportasyon.

Kaugnay nito, ang LPTRP ay ang plano na magdedetalye sa network ng ruta at kinakailangang bilang ng mga yunit sa bawat klase ng mga sasakyan kada bayan para sa paghahatid ng mga pampublikong land transport services.

Ang lalawigan sa pamamagitan ng LPTRP Team ay sumasaklaw sa inter-city at inter-municipality routes.

Mula noong Hunyo noong nakaraang taon, ang PPDO ay aktibong nakikilahok sa mga pagsasanay na isinasagawa ng DOTr para mas malinang pa ang kanilang kaalaman sa LPTRP formulation na magagamit sa mabilisang koordinasyon sa mga bayan at lungsod ng probinsya na makakatulong sa paglikha ng Provincial Plan.

Sa pagtatapos ng pagsasanay ay nagkaroon ang bawat kalahok ng bagong ideya sa pagproseso at pagtatasa ng datos na may kaugnayan sa LPTRP.|Mark Jonathan M. Macaraig

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

By Eunice Jean C. Patron DILIMAN, Quezon City -- INSTITUTIONS around the globe are working toward creating scientific innovations to address the challenges faced by humanity. Likewise, Filipino scientists are striving to find solutions to the Philippines' concerns. The University of...
GET ready to welcome a year of cunning, wisdom, and good fortune! As the Lunar New Year approaches, anticipation builds for the vibrant celebrations that usher in a fresh start. And this 2025, as we embrace the Year of...
"It happened when I was in high school. Mama got sick. Just like that, she was gone," actor and BDO brand ambassador Alden Richards sadly recalled. "My world suddenly stopped. Our savings were quickly depleted. I had to quit school to help...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -