28.3 C
Batangas

TEMPORARY RESTRAINING ORDER: Pagsuspinde kay Sabili, pinigil ng CA

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

 MANANATILI pa sa puwesto si Lipa City Mayor Meynardo A. Sabili matapos ipalabas ng Court of Appeals (CA) ang Temporary Restraining Order (TRO) sa naunang Suspension Order ng Department of Interior and Local Government (DILG) kaugnay ng kasong isinampa laban sa kaniya sa Office of the Ombudsman.

Sa 4-pahinang unanimous Decision ng Special Fourth Division ng CA na ipinalabas noong Huwebes, Agosto 9, sinabi ng korte na dahil sa posibleng magiging epekto sa taumbayan at sa Lunsod ng Lipa sa kabuuan, ipinag-utos ng CA ang pagkakaloob ng TRO sa loob ng animnapung (60) araw.

Hulyo 20, 2018 nang maghain ng Petition for Review under Rule 43 with Prayer for Temporary Restraining Order /Injunction sina Mayor Sabili at Atty. Leo S. Latido sa kasong isinampa laban sa kanila.

Sa naturang petisyon, sinabi ng mga petisyuner (Sabili at Latido) na, Una, ang inirereklamong aksyon ng alkalde ay nangyari noon pang taong 2012 at 2013; at dahil sa tatlong sunud-sunod na pagkakahalal kay Mayor Sabili noong 2010, 2013 at 2016, ang naturang aksyon ay maituturing na nasa ilalaim ng protective mantle of the condonation doctrine; at Ikalawa, ang mga reassignment orders noon na ipinalabas ng alkalde ay maituturing na regular at kailangan sa tawag ng serbisyo-publiko.

Sinabi pa sa petisyon na hindi binigyang-pansin ng Ombudsman ang mismong apela ng nagreklamo na nagsasabing walang malisya o anumang pangha-harass o opresyong nangyari kaya iniurong na niya ang reklamo kaya hindi na dapat nagtuloy ang kaso.

Kaya naman noon ding Hulyo 30, 2018, ay naghain ng Comment si Pesa [sa Urgent Ex-Parte Motion for an Immediate Issuance of a Temporary Restraining Order na inihain ng mga petisyuner noong Hulyo 24]. Ani Pesa, batay na rin sa mga umiiral na jurisprudence at alinsunod sa Rule 58 ng Rules of Court, may mga interes ang publiko na kailangang bigyang proteksyon kaya marapat lamang na ipagkaloob ang hinihinging TRO ng mga petisyuner.

Sa kasong Garcia, et al. vs. Court of Appeals, et al., binigyang-diin ng Korte Suprema na ang pagsuspinde sa isang halal na opisyal, maging ito man ay sa anyong preventive o bilang parusa ay magdudulot ng animo’y pag-agaw sa mga manghahalal ng serbisyo mula sa taong kanilang piniling mamuno at iniluklok sa posisyon.

Sa pakapagpalabas ng TRO, ipinag-utos din ng Korte kay Gng. Pesa na magsumite ng kaniyang komento sa applicantion for the issuance of Writ of Preliminary Injunction at Petition for Review na inihain ng mga petisyuner sa loob ng sampung (10) araw matapos matanggap ang kautusan ng Korte. Kailangan namang sagutin ito ng mga petisyuner sa loob ng susunod na limang (5) araw matapos maisumite ni Pesa ang komento. Sakaling makumbinsi ang Korte sa sagot ni Pesa, dito magdedesisyon ang Korte kung tuluyan nang ibabasura ang desisyon ng Ombudsman sa naunang reklamo ni Pesa. Matatandaang si Pesa na mismo ang naghain ng apela sa Ombudsman para ibasura ang nauna niyang reklamo.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

ILANG araw na lang ang nalalabi ay matatanggap na ng mga kwalipikadong empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kanilang bonus! Inihayag ni Governor Hermilando I. Mandanas na pinoproseso na ang paghahanda ng pag-release ng naturang bonus sa ilalim ng...
Land subsidence, or the gradual sinking of the ground, threatens not only Metro Manila but also other cities. Excessive groundwater extraction, rapid urbanization, tectonic motion, and the natural compaction of sediments contribute to land subsidence worldwide. This issue is worsened...
RESEARCHERS from the University of the Philippines – Diliman College of Science (UPD-CS) are recipients of the University’s first-ever recognition for its Research, Extension, and Professional Staff (REPS). The UP Diliman REPS Chair and REPS Awards aims to recognize the...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -