30 C
Batangas

Libreng tuition, allowances at pamasahe, para sa 8,994 iskolar ng DOST

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

PANIBAGONG batch na naman ng mga kabataan ang makikinabang ng libreng kolehiyo bilang mga iskolar ng Department of Science and Technology – Science Education Institute (DOST-SEI). Sa pinahuling bilang, halos umabot sa 9,000 ang makikinabang sa programang ito ng programa.

Nabatid sa inilabas na impormasyon ng DOST-SEI na umaabot sa 5,172 sa kabuuang 8,994 na nakapasa sa scholarship program ay maituturing na “gifted students who belong to economically disadvantaged families” o mga estudyanteng may sapat na kakayahang matuto o may kakaibang antas ng kaalaman ngunit kapos naman sa panustos para makatapos ng pag-aaral.

Nabatid din na umabot pa sa 3,822 ang pumasa sa DOST-SEI merit scholarship program ngayong taon.

Kabilang sa mga benepisyo ng pagiging iskolar ng DOST-SEI ay ang pagtanggap ng libreng matrikula, book allowance, P.E. clothing allowance at pamasahe pauwi at pabalik sa eskwelahan taun-taon kung ang eskwelahag pinapasukan ng estudyante ay iba pa sa probinsyang inuuwian nito.

Bukod dito, mayroon ding karagdagang ayudang P7,000 kada buwan ang mga iskolar.

Pahayag pa ng DOST-SEI, pinakamataas na bilang ng mga naging kwalipikadong iskolar ang naitala ngayong taon mula nang simulan ang scholarship program noong 1958.

Nitong mga nakalipas na dalawang taon, walang naging iskolar ang naturang programa bunsod ng pagpapatupad ng K-12 curriculum. Sapagkat kinailangan pang kumuha ng Grades 11 at 12 ang mga nagsipagtapos ng junior high school, may mga kurso naman na kayang makuha ngayon ng estudyante ng tatlo hanggang apat na taon lamang sa halip na apat hanggang limang taon.

Inaasahan namn ng pamunuan ng DOST-SEI na ang kanilang scholars ay magiging susi sa lalong pag-unlad ng bansa sa hinaharap.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

San Miguel Corporation (SMC) is undertaking the P44.77-billion Nasugbu-Bauan Expressway (NBEX) project that will provide a faster connection between the eastern and western portions of Batangas province. This comes after the Batangas provincial government granted the company’s infrastructure arm, SMC...
The 67th Session of the Commission on the Status of Women held on 6-17 March 2023 at the UNMHeadquarters in New York gathered representatives of member states, UN entities and non governmental organizations for the first in-person session since...
Responsive and committed government financial institution. In pursuit of its commitment to help other government institutions in optimizing operating efficiency and public service, the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) turned over previously used office, furniture, and IT equipment to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -