IPINAGDIWANG ang Araw Ng Kalayaan. Hindi pa rin makalaya sa kahirapan ang mga Pinoy!
Nag-ugat ang kalayaan sa umanoโy trayduran nina Bonifacio, Aguinaldo at Luna. Kainis ipagdiwang!
Nasingitan ng protesta ng mga militante ang talumpati ng Panguong Duterte sa Kawit, Cavite. Hinayaan lang niya at hindi pinagalitan o minura, dahil karapatan daw nila iyon! Hindi mainit ang ulo ng Pangulo ng oras na iyon!
$5 billion ang nadale ni Pangulong Duterte sa Sokor bilang tulong sa Pinas, pero marami pa ring mga Pinoy ang hindi natutuwa. Naka-focus kasi sila sa tukaan nina Duterte at Pinay OFW.
Nag-enjoy daw si Duterte at may-asawang OFW sa South Korea sa kanilang tukaan, Sa mga nagalit, inggit lang kayo!
Sobrang nag-viral ang away ni Kris at Mocha. Mas matindi pa sa NBA finals ang kanilang away! Hindi na raw magkakasundo sina Kris at Mocha. Pareho kasi nilang kailangan ang publisidad para sa kanilang kandidatura.
Nagmamatigas si Mocha kay Kris at di nag-a-apology. Na-kiss na rin siya ni Duterte?
Pag-lips-to-lips ni Pangulong Digong sa may asawang OFW, oks lang kay Mayor Erap. Ginawa na rin daw niya iyon.
Humirit si Mayor Sara na sasama na siya sa foreign trips ng amang Pangulong Duterte para di na ito makipag-lips-to-lips sa mga OFWs. Abaโy gwardyado na ay bantay-Sara-do pa!
Maraming nagulat, pero natuwaย sa isinagawang Simulation Exercise (SIMEX) sa bank robbery na isinagawa ng Tanauan PNP sa pamumuno ni Acting Chief of Police Renato Mercado sa Banco Makiling sa President Laurel Highway para masubok ang kapabilidad at kahandaan ng Tanauan PNP katulong ang mga banko at Tanauan CDRRMC ni Terry Awitan. Pinuri naman nina Mayor Thony C. Halili at samahan ng Knights of Columbus at Rotary Club ang ipinakitang malasakit ni Police Supt. Renato Mercado sa mamamayan ngย siyudad dahil sa malaking tulongย ang SIMEX sa mga sakaling magiging biktima ng mga masasamang loob ang kahandaan atย tamang pagkilos sa gitna ng panganib.
Halos Malabo na ang diwa ng demokrasya dahil paborย ito sa mga mayayaman. Ang eleksiyon ay kontrolado ng mga milyonaryo na siyang nagpapatakbo ng pamahalaan.
Dedo ang isang pari matapos barilin sa loob mismo ng simbahan sa Saragoza, Nueva Ecija. Sa loob ng 6 buwanย ay 3 pari na ang napapatay ng mga di pa kilalang salarin, pero ayon sa PNP ay dapat kalma lang ang publiko dahil hindi naman araw-araw.
Nag-rollbak ng 55 sentimos ang presyo ng gasolina. Asahan ang dobleng taas sa susunod na linggo.
Ibinulgar ni Vice Ganda ang 8 aktor na naging karelasyon niya. Segutadong daang milyon ang nagastos niya.
Inaresto ng PNP Anti-Cybercrime Group ang 500 call center agent dahil sa online scam. Nag-ooperate sila kahit walang business permit. Kasapakat nila ang mga LGUs.
Natalo na, inasar pa, pumalag, Cavs fanย piรฑatay ng maka-Warriors. Mag-Warriors na lang sila para di mapatay.
Ipatutupad daw ni Pangulong Digong ang radical change.Ibig sabihin bay a marahas na pagbabago o pagbabago gamit ang mga militante.
Inalis na ng China ang kanilang nuclear arsenals sa Spratlys.Natakot sa Kano!
Simula nang maupo si Pangulong Duterte ay lagi na lang siyang headline sa dyaryo. Siya ang tunay na darling of the press.
Pinakamayamang atleta si Floyd Mayweather ayon sa Forbes Magazine. Utang na loob niya itoย kay Pacquiao.
Hindi ipinagbabawal ang simula ng kampanyahan para sa 2019 elections. Asahang marami na namang murder ang magaganap. Kasama na angย character assassination.
Binabati ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Thony C Halili si Ms Vicky D. Javier dahil sa isa na syang Certified Trainer CALABARZON GAD Resource Pool at kauna-unahan sa mga LGU Batangas Province.|