TAYSAN, Batangas – Public service is a public trust; kaya lahat ng kilos at galaw ng mga lingkod ng bayan ang magiging sukatan ng kanilang pananatili sa kaniyang panunungkulan, maging sa puwestong halalin (elective) man o itinalaga (appointive).
Ito marahil ang batayan ng paghatol ng Office of the Ombudsman sa kasong inihain laban kay Mayor Grande Pascua Gutierrez ng bayang ng Taysan na ngayon ay pinarurusahan ng “Dismissal from the service”!
Sa13-pahinang desisyon ng Office of the Ombudsman, napatunayan ng graft court na may lakas na ebidensya at napatunayang nagkasala ng kasong “Grave Misconduct” at “Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service” sa umano’y pangingikil at panggigipit sa mga quarry operators sa naturang bayan.
Ang Habla
Disyembre 9, 2020 nang ihain ni dating Kagawad Brigido A. Villena ang reklamo sa Office of the Ombudsman laban kay Mayor Grande Gutierrez na naitala bilang OMB-L-A-21-0057.
Nag-ugat ang reklamo sa umano’y panggigipit ng alkalde sa mga quarry operators sa naturang bayan. Ganito inihanay ni Villena sa kaniyang reklamo ang nasabing umano’y panggigipit at pangingikil sa kanila:
Pebrero 3, 2020 – pinulong umano ni Mayor Gutierrez ang mga may-ari o kinatawan ng mga quarry operators sa Taysan. Kasama ng alkalde sa naturang pulong sina Municipal Engineer Alberto Cueto, Municipal Planning and Development Coordinator Bienvenido B. Breiz, Jr. at isang Glen Pascua Marinay na pinsang-buo ng alkalde. Sa naturang pulong umano sinabi ni Marinay ang demand na magbigay ng tig-P250 kada truck at isang truck load ng aggregates bawat quarry operator para sa alkalde at mga miyembro ng Sangguniang Bayan (SB).
Pebrero 5, 2020 – General Meeting ng Taysan V Operators (asosasyon ng mga quarry operators sa Taysan). Dito muling sinabi ni Marinay ang umano’y demand ng alkalde. May dala rin umano si Marinay na kopya ng Deed of Donation para palabasin na ang mga hinihinging P250 kada truck at isang (1) truckload ng aggregates kada quarry operator ay kusang bigay sa kanila. Kalaunan ay napahinuhod ang mga operator sa demand umano ng alkalde dahil pinigil umano ng huli ang pag-iisyu ng Mayor’s Permit.
Ayon sa Citizen’s Charter ng Taysan, kailangang i-isyu ang Mayor’s Permit sa loob ng 30-minuto makalipas magbayad ng kaukulang bayarin at mabigyan ng resibo ang aplikante. “It, however, took months for the respondent to release said permit in order to extort mney and aggregates from quarry operators,” saad pa reklamo.
Tugon
Sa kaniyang Counter-Affidavit, mariing itinanggi ni Gutierrez ang mga alegasyon laban sa kaniya. Aniya ang naganap na pagpupulong sa mga operator noong Pebrero ay hindi para mangikil kundi upang talakayin ang patuloy na pagkasira ng mga lansangan sa Taysan, kaya umano kasama ng alaklade sina Engineer Cueto at Engineer Breiz.
Wala rin umanong kapangyari-han ang pamahalaang bayan ng Taysan ukol sa quarry operations dahil ang pag-regulate sa small-scale mining ay nasa kapangyarihan ng pamahalaang panlalawigan. Kahit na umano naantala ang pag-isyu ng Mayor’s Permit ay patuloy naman umano ang operasyon ng mga quarry kaya hindi kailangang suhulan ng mga operator ang mga opisyal ng gobyerno.
Hindi rin umano siya (Gutierrez) siya dapat madawit sa reklamo sapagkat wala naman siyang pirma sa mga documentary receipts na may nakatalang “Mayor c/o Glen Marinay”. Ganoon rin umano sa mga sinasabing delivery tickets.
Ang lahat ng ito’y pinabulaanan ng mga ebidensya at testigo sa kaso. Kaugnay ng sinabi ng alkalde na kaya naantala ang pag-isyu ng Mayor’s Permit ay dahil sa mga bayarin sa real property tax (RPT) na hindi pa nababayaran ng mga operator, ito’y sinagot ng mga opereytor at sinabing wala namans ilang anumang komunikasyon na natatanggap mula sa munisipyo.
Paglilitis sa kaso
“This Office finds substantial evidence to hold respondent administratively liable for Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service and Grave Misconduct.” Ito ang bungad pahayag sa desisyon ng Ombudsman.
Sa kasong ito, saad pa sa desisyon, maliwanag umano na nagkasala ng Grave Misconduct si Mayor Gutierrez nang siya ay mangikil ng salapi at aggregates mula sa mga quarry operators, gamit si Marinay bilang ‘conduit’ o padaluyan, kapalit ng pag-isyu ng Mayor’s Permit.
May mga pagkakataon din umano na mismong si Mayor Gutierrez ang nakipag-usap sa mga operator kaugany ng hinihinging salapi at aggregates.
Sa Tugon-Salaysay sa Counter-Affidavit ng alkalde, bago pa man ang unang pagpupulong noong Pebrero 3, 2020 ay mismong ang alaklde umano ang nakipag-usap noong Enero 2020 kay Gng. Julie Mamaraldo ng JFM Enterprises ukol sa kagustuhan ng alaklde na magbigay muna ang JFM Enter-prises ng ¼ truckload ng aggregates at sinabi pang si Marinay ang tatawag kay Mamaraldo para mag-follow up.
Marso 3, 2020, nakatanggap si Gimmalyn Galos ng LYZ Quarrying and Trading ng text message mula kay Marinay at ipinadadala na ang P250 kada truck (P200 para sa alkalde at P50 para sa mga miyembro ng Sanggunian). Pagdating ni Galos sa Mayor’s Office, dinala siya ni Marinay sa katabing silid at doon sila ng nag-abutan ng pera at pinirmahan ni Marinay ang Acknowledgement Receipt.
Sumunod na buwan, Abril 2020, kinausap naman ni Marinay si Ghadly Apria ukol sa P240,000.00 na hinihingi ni Gutierrez sa mga quarry operator, kaya kailangang mag-contribute ng tig-P30,000.00 bawat isa ang walong (8) operator. Mayo 7, 2020, ibinigay ni Apria kay Marinay ang P210,000.00 Makalipas ang palitan ng text messages, ibinigay ni Apria kay Marinay ang kahustuhang P30,000.00 noong Mayo 9, 2020.
Marating na Hunyo 2020, ipinabatid nina Mayor Gutierrez at Marinay kay Mamaraldo na kuku-nin nila ang ¼ truck ng aggregates na napagkasunduan umano noong Enero 2020.
Noong Hunyo 9, 2020, sinabihan ni Marinay si Jenny Rivero na dalhin sa kanilang bahay ang P250 kada truck para sa alkalde at mga taga-Sanggunian. Matapos tanggapin ni Marinay ang P46,800 ay pinirmahan nito ang Acknowledgement Receipt ni Rivero.
Kuha din umano sa isang video footage sa bahay ni Marinay kung paanong binilang ni Rivero ang pera at ibinigay ito kay Marinay, gayundin ang pagpirma ni Marinay sa resibo. Naulit pa ito nang sumunod na buwan.
Noong Hulyo 6, 2020, muling ipinapadala ni Marinay kay Galos ang ‘tara’ nito sa LYZ Quarrying and Trading at muli’y pinirmahan ni Marinay ang resibo ukol dito. Mula Hunyo 17, 2020 hanggang Agosto 1, 2020, nakakuha naman si Gutierrez, sa pamamagitan ni Marinay ng kabuuang 22 ¼ truckload ng aggregates mula kay Mamaraldo gaya ng mga nakasaad sa mga delivery receipts.
Ayon kay Gutierrez, walang dahilan para parusahan siya ng preventive suspension sapagkat wala naman umanong ebidenysa na magpapatunay na tumanggap siya ng salapi o mga aggregates mula sa mga quarry operators, o pruweba na nakipagsabwatan siya kaya walang “element of guilt is strong” para suspindehin siya sa pwesto. Ayon sa Ombudsman, ang mga inihanay na pangyayari ay nagpapakita lamang na ang pangingikil ni Gutierrez ng salapi at aggregates mula sa mga quarry operators ay bunsod ng korapsyon, isang malinaw na paglabag sa batas, at pagwalang-bahala sa mga panuntu-nan sa pag-isyu ng Mayor’s Permit.
Ayon sa itinatadhana ng Section 55 of 2017 Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service, kapag ang inirereklamo ay guilty sa dalawa o higit pang reklamo, ang mas mabigat na pasura ang ipinapataw. Ang Grave Misconduct ay itinuturing na grvae offense at ang parusang pagkatanggal sa serbisyo ang ipinapataw, maging sa unang paglabag pa lamang.
Malinaw rin, anang Ombudsman, na si Gutierrez ay guilty of Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service sapagkat binahiran niya ang imahe at reputasyon ng Tanggapan ng Punumbayan.
Ang Hatol at Parusa
Dahil sa bigat ng mga naging paglabag sa batas, pinatawan si Mayor Gutierrez ng pagkatanggal sa serbisyo (dismissal from service), kaakibat ng pagbawi sa kaniyang eligibility at retirement benefits, at panghabambuhay na diskwalipikasyon na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
Dahil ditto, ipinag-uutos ng Ombudsman sa Kagawaran ng Interyur at Pamahalaang Lokal (DILG) na ipatupad ang desisyong ito ng Ombudsman sa lalo’t madaling panahon.
Samantala, isinumite ni Graft Investigation and Prosecution Office I Cristyl Mae B. Senajon ang Desisyon sa kaso noon pang May 10, 2022 at kaagad ding sinang-ayunan (concur) ni Acting Asst. Ombudsman Adoracion A. Agbada, Direktor ng Preliminary Investiga-tion, Administrative Adjudication and Prosecution Bureau noong Mayo 23, 2022; at nilagdaan ni Deputy Ombudsman for Luzon Cornelio L. Somido ang recommen-ding approval.
Mahigit isang taon pa ang lumipas bago natapos ang kaso nang apubahan ito ni Ombudsman Samuel R. Martires noong Hunyo 2, 2023.| Joenald Medina Rayos / BNN