HINDI nakayang humarap ni Pangulong Digong sa Papal Nuncio. Ngayon lang nabahag ang buntot ng pangulo sa isang pari.
Wala nang tsansang mapaalis ang China sa Spratlys. Humingi na lang sana uli si Duterte ng bilyones na dolyar na tulong. Wika nga ay para na ring binayaran.
Umaatras na raw ang mga investors sa Pinas dahil kay Pangulong Digong. Iyan ang balita ng European Union.
Hindi na raw huhulihin ang mga tambay. Kasi baka raw umanib sila sa mga NPA!
Magkakaroon ng pulong sa pagitan ni Pangulong Duterte at mga Obispo ng CBCP. Pag-uusapan nila ang tungkol sa stupid God. Ang stupid God daw ni Duterte ay ang Diyos ng mga magnanakaw, durugista, pusher, mamamatay at manggagahasa. Iba daw ang Diyos na nagluklok sa kanya bilang Pangulo.
Kakausapin daw ni Duterte ang mga jueteng lords. Sila daw ang mga Diyos na hindi estupido.
Libong katao halos ang dumaragsa at halos naiyak na nakikiramay sa burol ni Mayor Thony Halili. Kasabay nito ay nagluluksa ang buong kalunsuran ng Tanauan City sa pagkakapaslang ng tinataguriang tunay na Ama ng City of Tanauan na si Mayor Thony C. Halili na binaril ng umano’y isang sniper habang umaawit siya ng Lupang Hinirang kasabay ang mga empleyado ng city hall sa regular na Monday flag raising ceremony. Ayon sa iba’t ibang uri ng mga imbestigador ay tinitingnang motibo sa pagpatay ang personal na galit ng mga kakontrang pulitiko, paghihiganti sa kanyang kontrobersiyal Walk of Shame campaign at ngitngit ng mga drug lords na sobrang naapektuhan ng kanyang ipinatutupad na mariing giyera kontra iligal na droga sa lunsod.
Kinondena naman ng halos lahat na organisasyon at mga NGOs sa Tanauan City ang pahayag ni Pangulong Duterte na talagang sangkot siya sa iligal na droga at kunwa-kunwari lamang ang kanyang giyera kontra illegal na droga at Walk of Shame. Ayon sa pamunuan ng Senior Citizens Federation ay 17,000 ang kanilang myembro at maski isa mga myembro ay walang anak o apo man na adik o hindi ang nagsangkot sa kanya sa illegal drug trade. Gayundin ay nagpahayag din si LMB –Tanauan president Pol Mark Fajardo na 100% ng 48 kapitanes na bumubuo sa kanilang organisasyon ay nagsabi na walang koneksiyon si Mayor Halili sa anumang illegal base sa intelligence reports na rin nila galing sa mga intelligence sources nila na ibinibigay ng kanilang nasasakupang halos ay isang libong mga barangay tanod.
Matatandaan na talagang nakakaintriga na sa kanyang panunungkulan ay 4 hepe ng Tanauan PNP ang narelieve sa tuwing magpapahayag sila ng paglilinis sa pangalan ni Mayor Halili hinggil sa koneksiyon sa illegal drug traders . Ang huli nga ay itong si Tanauan PNP Chief Supt. Robert Baesa na na-relieve noong isang taon matapos siyang magpasa ng mga dokumento sa Napolcom na nagpapatunay na wala siyang koneksiyon sa anumang uri ng kriminalidad. At noon ay nagpalabas ang Napolcom ng isang resolusyon na nagsasaad na pag-aalis ng police power ni Mayor Thony Halili at pinalitan ang kanyang mga pulis ng Binangonan police force. Ang tanong pa ni Mayor Halili noon na hanggang ngayon ay di pa nasasagot ay kung sino awtoridad ang nagsasabit sa kanya sa narco list ni Duterte at kung ano ang basehan at nagkaroon ban g imbestigasyon.
Naniniwala rin ang mga maestra at halos lahat na mga konsehales ng mga barangay na ito ay paninira lamang ng mga kakontrang pulitiko at mga illegal drug traders na parang nagkaisa na ibagsak sa anumang paraan ang pinaslang na mayor at wala namang ebedensiya o basehan. Naniniwala rin ang mga political analysts na sa panahong ito ay wala pang dumedeklarang kalaban niya sa 2019 elections sapagka’t napakabigat talunin ang isang mahal ng taumbayan na suportado ng lahat na organisasyon ng kababaihan man o kalalakihan at deklaradong suportado ng lahat ng nasasakupang kapitan ng mga barangay. Naniniwala rin sila na ang bintang ni Duterte at pagsasama sa kanya sa narco list ay imbento lamang ng mga pulitikong malapit sa pangulo at galing sa mga bobong intelligence sources na bagamat idinawit siya at naalisan ng police power ng Napolcom ay hindi inayunan at kinondena rin ng lahat ng samahan sa Tanauan City na ipinahayag sa pamamagitan ng pinakamalaking record rally na naganap sa lunsod noong Nobyembre noong isang taon. Wika nga ni Nick Chavez, (OSCA) Office of the Senior Citizens Association Chairman, “Kung bobo ang impormasyon at walang basehan ay hindi dapat itong tawaging intelligence sources!”
Isang malaking salu-salo ang gagawin sa kanilang reunion ng mga dating Kabataang Barangay sa August 25. Mga senior na pala sila!
Ilang arsobispo ang nagpahayag ng matinding tampo kay Pangulong Digong. Kasi iyong mga dating natampo ay takot raw sa kanila ang administrasyon. Eh, ngayon ay minumura na lang sila!
Mahal na mahal daw ni Duterte ang mga Pinoy, kaya nang manalasa ang Bagyong Glenda ay todo iyak pa raw siya habang nananalangin. Sobrang baha seguro ng kanyang luha , kaya nagkaroon pa ng tsunami.
Pwede na raw magpulis ang mga hayskul, ayon kay QCPD Director Joselito Esquivel. Mas magaling daw ang mga ito kaysa mga college graduates na karaniwan ay maaangas at hirap utusan.
Kakandidato raw senador si Maria Lourdes Sereno. Tulad ni De Lima ay umaasa lang daw siya sa tulong ng Comelec. Sabagay mas magaling ang gagawin niyang ito kesa mamatay siya sa himutok!|