31.1 C
Batangas

Bagong Speaker GMA, nakaw eksena sa SONA ni Duterte

Must read

- Advertisement -

KAKATWA na ang SONA ni Duterte ay may sinusunod na direktor na parang pelikula. Seguro kapag magmumura na siya ay sigaw agad si Direk Joyce Bernal ng CUT! Onli in da Pilipins.

Mas-type ni Pangulong Digong ang impromptu speech kaysa mga sinulat ng mga batikang speech writer, kasi naisisingit niya ang ad lib niya. Kaya lang ay sumunod siya sa kanyang speech director ngayon at walang pagmumura.

Sabagay hindi director ang kelangan niya kundi stuntman.

Isinusulong ni Alvarez ang No-El sa 2019. Ang nangyari ay No- Al sa isang taon!

Dalawang First Lady ang dumalo sa SONA ng pangulo ng Pinas. Onli in da Pilipins!

Sinapawan ni GMA si Duterte  dahil sa kudeta kay Alvarez noong  3rd SONA. Si GMA na ang bagong Speaker of the House. Hinubaran ni GMA ang House ng Pantaleon!

Naging makasaysayan ang SONA na nabalam nang mahigit isang oras dahil sa kudeta sa Kamara na itinuring na nakaw-eksena ni GMA kay Duterte. Mauupo bilang unang babaeng naging Speaker of the House si GMA. Siya rin ang magiging unang ex-president na naging Speaker ng Kamara. Ngayon din lang nasapawan ang militanteng nagprotesta.

Wala naman daw trabaho ang mga militante, pero bakit daw laging maraming pondo sa rally? May nakaupo kasi na ipinagagamit sa kanila ang pondo ng bayan. Puro reklamo, pero  ayaw magtrabaho!

Mapapansin na ilang dekada na, ang lahat na maupong pangulo ng bansa ay ayaw ng mga militante. Trabaho na talaga nila ang magreklamo. Iyan tinaguriang Pambansang Bwisit!

Nagpasalamat si Patricia Fox, ang nadeport na miltanteng Amerikano dahil daw umano sa suporta sa kanya ng maraming Pilipino. Epektibo ang deport order noong The 4th of July  Independence Day sa US. Maaalaala siya sa Deport of July!

Nanood din ang mga kapitbahay kong senior citizens ng  ikatlong SONA ni P-Digong. Kaya lang ay nagtanong pa rin sila sa akin kung nagmura ba si Duterte o hindi. Kasi wala silang naintindihan at English daw eh!

Bago ang SONA ay joint forces agad ang lahat na anti-Duterte movements sa isang misa ni Auxiliary Bishop Broderick Pabillo. Kasama ang mga kontrang senador at si VP Leni ay sila ang seguradong kokontra sa Federalismo.

Ayon sa Department of Information ay dapat daw magkaroon ng hard sell info drive para maunawaan ng mga mamamayan ang Federalimo. Hard sell para sa bagay na hard to sell!

Bakit kaya daw daang bilyon naman ang pondo sa mga drainage, pero konting ulan lang ay baha na agad? Kinurakot kasi ng mga magnanakaw at feeling pa nila seguro ay lagi silang nasa beach.

Nakahilera ang dating ng LPA ngayong linggong ito. Tuloy din ang earthquake drill sa mga barangay!

Isang brodkaster na naman ang tinepok sa Albay. Malapit nang maging endangered species ang mga mediamen.

Kontra mamamayan daw ang Cha Cha at Federalismo. Sagot ni Duterte,”Wala silang pakialam!”

Hanggang ngayon ay di pa nareresolba ang korupsiyon sa gobyerno. Kunsabagay ay malapit nang masimot ang kaban ng bayan at wala na silang mananakaw!

Maraming barangay sa Metro Manila  ang hindi nakasama sa shake drill ng NDRRMC. Kasi baha raw lagi sa kanilang lugal at mas takot sila sa leptospirosis kesa lindol na hinihintay pang dumating!

Hindi raw magbababu sa boxing si Pacman kahit may sakit sa puso. Siya raw ang may katawan at dama niya na pwede pa.

Sinuspende ng FIBA ang 9 na manlalaro at coach ng Gilas Pilipinas. Imbes na karangalan ay kahihiyan ang kanilang nakamit!|

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -